OFW’s, sang-ayon na itaas ang Pag-IBIG monthly savings rate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,993 total views

Sang-ayon ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers sa hakbang ng Pag-IBIG Fund na dagdagan ang monthly savings rate ngayong taon.

Ayon kay Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc. o (KAMPI) President Luther Calderon mahalagang suportahan ang hakbang ng institusyon upang matugunan ang pangangailangan ng lumalagong miyembro lalo na ang usapin sa pagkakaroon ng disenteng bahay na masisilungan.

“We support unequivocally Pag-IBIG Fund’s proposal to increase the contributions of its members. An increase in contributions is definitely a step towards the right direction as this would mean more funds that could be employed for the benefit of members seeking to apply for home loans and short-term loans. Not only is it timely, but more importantly, it is the right thing to do,” bahagi ng pahayag ni Calderon.

Sa ilalim ng bagong saving’s rates, magiging 200-piso na ang magiging kontribusyon ng mga manggagawa at employer mula sa 2-percent maximum monthly compensation na P10, 000.

Bukod sa KAMPI nagpahayag din ng suporta ang Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI), Kaibigan ng mga OCWs, at iba pang OFW groups.
Naniniwala ang mga OFW na mas mapapabuti pa ng Pag-IBIG Fund ang mga benipisyong maiaalok sa 15-milyong kasapi sa buong bansa kung saan bukod sa pabahay ay mayroon ding iba’t ibang loan programs.

Tiniyak ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa mga OFW na pag-ibayuhin ng institusyon ang pagbibigay tapat na serbisyo sa bawat kasapi lalo na sa hanay ng mga OFW.

“Under our new rates, members shall have higher Pag-IBIG Savings that earn annual dividends, which they shall receive upon membership maturity or retirement, as well as higher multi-purpose and calamity loan amounts to help them with their financial needs. This shall also allow us to continue offering affordable home loans and provide them better opportunities to gain a home of their own,” ayon kay Acosta.

Taong 2019 nang aprubahan ng Pag-IBIG Fund ang pagdadagdag sa buwanang kontribusyon na ipatutupad noong 2021 subalit naantala ito dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic kung saan patuloy ang pagbangon sa sektor ng ekonomiya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 17,023 total views

 17,023 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 26,387 total views

 26,387 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 52,843 total views

 52,843 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 102,884 total views

 102,884 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 107,146 total views

 107,146 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top