Obispo ng Tagbilaran nagbabala laban sa signature campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,868 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mamamayan ng Bohol na huwag lumagda sa umiikot na signature campaign o People’s Initiative na layong isulong ang Charter Change.

Binigyang diin ni Bishop Uy na anumang inisyatibo na hindi dumaan sa wastong konsultasyon at talakayan ay hindi makatarungan at malinaw na pagsusulong lamang ng interes ng iilang indibidwal.

“As Bishop of Tagbilaran, I advised our Boholano faithful not to trade their signatures for charter change. An initiative claiming to represent the people, without genuine input and consultation from the community, may ultimately serve the interests of only a select few,” ayon pa mensahe ni Bishop Uy.

Hindi rin kinatigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang na People’s Initiative na magdudulot lamang ito ng pagkakahati-hati ng sambayang Pilipino sa halip ay hinimok ang pamunuan ng senado na pangasiwaan ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Saligang Batas lalo na ang economic provisions.

Matatandaang umiikot para sa signature campaign ang People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) sa pangunguna ni Noel Oñate na layong palitan ang umiiral na 1987 Constitution upang buksan ang ekonomiya at pahintulutan ang mga dayuhang makapagbukas ng mas maraming negosyo sa bansa.

Mariin naman kinundena ng ilang mambabatas at ng simbahang katolika ang hakbang lalo’t may kapalit na salapi ang paglagda ng mamamayan.

Nilinaw naman ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno ang chairperson ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na hindi maaring baguhin ang konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative kundi pag-amyenda lamang ang maaring gagawin sa nasabing hakbang.

Iginiit ni Diokno na tanging Constituents’ Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (ConCon) lamang ang mga hakbang na maaring gagawin sa pagbabago ng konstitusyon.

Tiniyak ng abogado ang mahigpit na pagbabantay sa pangagalap ng lagda gayundin ang panawagan nina Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, Legazpi Bishop Joel Baylon at Dipolog Bishop Severo Caermare na huwag makiisa sa signature campaign na hindi ang tamang paraan sa pagpapalit ng Saligang Batas.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,154 total reads

 1,154 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,997 total reads

 51,997 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,363 total reads

 137,363 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,099 total reads

 184,099 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,970 total reads

 231,970 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,432 total reads

 333,432 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top