23,015 total views
Ipinarating ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang suporta sa nangangambang pamilya ng mga Filipinong crew na lulan ng MV St. Nikolas oil tanker na dinakip ng Iranian Navy sa karagatan ng Oman.
Ayon sa Obispo, nawa ay manatiling ligtas ang kalagayan ng 18-crew ng oil tanker na maghahatid lang sana ng krudo sa Turkiye.
“We are one and united with those families. We urge them to be strong and lift up everyone, everything to God. Be strong. Hold on to God. Pray with us. We offer you and to your loved ones our Holy Masses,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mga Chaplains mula sa Stella Maris Philippines na magdaos ng mga misa at pananalangin upang ligtas na makalaya mula sa kamay ng Iranian forces ang crew ng oil tanker.
Tiwala din ang Obispo na hindi papabayaan ng pamahalaan higit na ng Department of Migrant Workers ang mga Filipino crew kung saan magpapatuloy ang pakikipagdiyalogo para sa kanilang ligtas na pag-uwi.
“We place our trust to God’s miraculous love for peace, diplomatic settlements and to soften the hearts of those who hold the oil tanker. May all respect life, promote common good and protect individual rights and welfare,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos
January 11 ng harangin ng Iranian Navy ang oil tanker na may dalang 145-tonelada na krudo.