244 total views
Balanga,Bataan– Nag – alay ng panalangin ang Diocese of Balanga, Bataan sa nagbabadyang paggalaw ng West Valley Fault o mas kilala bilang “The Big One.”
Kasunod ito ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte at sa nangyaring lindol sa Davao City nitong nakaraang Linggo,
Sa inilabas na panalangin ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, hiniling nito sa poong Maykapal na ilayo sa anumang kalamidad ang bansa lalo na ang lindol.
“O Gentle and Loving God, we come before your holy presence in awe of the marvelous things you have done! You are the Lord of all creation. Heaven and earth are yours. Look mercifully upon us as we earnestly pray that you spare us from the devastation of a catastrophic earthquake. Ward us off against destructive tsunami and severe floods. Be our shelter and our fortress in time of any calamity. Your goodness is limitless and we implore that you don’t allow this country to become a destitute land in shambles.”panalangin ni Bishop Santos
Hiniling ni Bishop Santos na hindi nawa mangibabaw ang takot at pagdududa sa dakilang kapangyarihan ng Diyos na magagawa nito na maiiwas ang mga sakuna at maging handa ang lahat sa anumang trahedyang dulot ng kalikasan.
“Cover by Jesus’ most precious blood not just the province of Bataan but the Philippines as a nation, so we may be always safe and protected. Do not let our fears and doubts overcome us. But instead, make your presence be manifested in this time of unpredictability that we may be bold witnesses for you and your unending love. Abide in us as we commit every facet of our lives to you. We humbly submit ourselves, our prayers and supplications to you. In Jesus’ name, Amen.”bahagi ng panalangin ni Bishop Santos
Pinawi naman PHIVOLCS o Philippines Institute of Volcanology and Seismology ang kumakalat na impormasyon sa nalalapit na paggalaw ng West Valley Fault o nang pinangangambahang “the big one” na mangyayari anumang araw ngayong Linggo mula ika – 24 ng Pebrero hanggang ika – 8 ng Marso.
Samantala, sa inilabas namang pag – aaral noong 2004 ng Japan International Cooperation Agency para sa PHILVOCS at ng Metropolitan Manila Development Authority na nagpapakitang ang 7.2 magnitude na lindol ay maaring kumitil ng 34,000 katao habang tinatayang 100,000 katao ang masusugatan bunsod ng mga gumuhong gusali.