152 total views
Nagpaabot ng pagbati at kasiyahan ang mga Obispo ng Simbahan sa Pilipinas sa nalalapit na Episcopal ordination at installation ni Bishop-elect Enrique Macareag na bagong Obispo ng Diocese of Tarlac.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na isang mabigat na tungkulin ang pagiging Obispo o pagiging katiwala ng Simbahan para sa pagkakaisa at pagpapabanal sa isang kominidad.
Inihayag ni Bishop Pabillo na malaki ang tungkulin ng isang Obispo sa pagpapahayag ng salita ng Diyos at mabuting balita.
Higit sa lahat, sinabi ni Bishop Pabillo na malaki ang tungkulin ng Obispo na papagkaisahin ang mga pari at mga layko sa kanyang nasasakupang Diocese.
“Binabati natin si Father Macaraeg na itatalagang bagong Obispo ng Tarlac. Ito ay isang mabigat na tungkulin at katiwala na ibinigay sa kanya ang Simbahan na siyang nagpapabanal sa bayan ng diyos sa pamamagitan ng kanyang pananlangin at pagdiriwang ng mga sakramento. Siya rin ang tagapangaral, nagbibigay ng mabuting balita, nagpapaliwanag sa mga tao at siya yung nanagunguna sa pagkakasia ng mga pari, mga layko sa ibat-ibang panig ng Simbahan.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas
Itinuturing naman ni Boac Bishop Marcelino Maralit na ang Obispo ang siyang nagpapatuloy ng apostolic tradition ng Simbahang Katolika.
Kung kayat gayon na lamang ang pagbati ni Bishop Maralit kay Bishop elect Macaraeg na siyang magiging kahaliling apostol sa Diyosesis ng Tarlac.
“Sa Simbahan napakahalaga ng tinatawag na APOSTOLIC SUCCESSION dahil siya ang nagdadala, nagpapatuloy ng APOSTOLIC TRADITION. Ang mga KAHALILI ng mga APOSTOL, sa pangunguna sa paglilingkod sa bawat sambayanang kristiyano ay ang mga Obispo”.paliwanag ni Bishop Maralit
Panalangin naman ang bahagi ng pagbati ni Malaybalay Bishop Jose Cabanatan para kay Bishop elect Macaraeg sa kanyang pagsisimula ng bagong ministry bilang bagong Obispo ng Tarlac.
“My best wishes to Bishop Enrique Macaraeg, the new Bishop of Tarlac. May God whose mercy and love is so overflowing bless you always and sustains you as you shepherd God’s flock entrusted to you. Rest assure of our prayers for you as you begin your new ministry as Bishop of Tarlac. God bless!”bahagi ng mensahe ni Bishop Cabantan
Nagpaabot din ng pagbati at panalangin si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na maging mabunga ang pagiging Obispo ni Father Macaraeg sa Tarlac.
“My sincere greetings to my brother, Bishop Enrique Macaraeg! My prayer and wish is the fullness of the Priesthood through the loving embrace of the Holy Spirit. I wish him all the support and love of the priests, lay leaders and the whole diocese of Tarlac for a fruitful ministry!”pahayag ni Bishop Mallari
Nagpahayag naman ng kahandaang tumulong at collaboration si Balanga Bishop Ruperto Santos kay Bishop Macaraeg dahil kapwa sila nasasakop ng Metropolitan Archdiocese of San Fernando, Pampanga.
“Welcome my brother bishop. We belong to the metropolitan archdiocese of San Fernando. As your brother please rest assured of my cooperation and collaboration. Am here to walk with you and together we work and bear witness to our Lord Jesus.”mensahe ni Bishop Santos
Samantala, itinuturing naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na ang pagiging Obispo ni Father Macaraeg ay makadaragdag ng buhay, kasiyahan at pag-asa sa kabuuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.
“Welcome to our youngest brother bishop to the CBCP. Your appointment will add more life, joy, and hope to the Conference. Mabuhay.” pahayag ni Bishop Ongtioco.