Child Labor sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,267 total reads

Kapanalig, ngayong mas matindi ang laban sa droga ng bansa, magiging maigting din kaya ang aksyon laban sa child labor sa Pilipinas? Ang child labor kapanalig, lalo na ang mga trabaho na naglalagay ng bata sa matinding panganib ay isang uri rin ng pagpatay. May mga bata pa nga na pinipilit na magdroga upang manataling gising at alerto kapag nagtatrabaho.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, may 5.492 million working children ang ating bansa. 58.4 percent o mga 3.210 million dito ay tinuturing na child labor. Mga 2.9 million sa kanila ay nagtatrabaho sa mga hazardous working conditions.

Ang kahirapan ang nagtutulak sa maraming pamilya na magpraktis ng child labor. Nasa 26.3% ang poverty incidence sa ating bansa, base sa first quarter of 2015 official data. Ang subsistence incidence naman, kapanalig, ay nasa 12.1%.Ang subsidence incidence ay ang bilang ng mga Pilipino na halos wala ng makain.

Ayon sa pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labour Education and Research Inc (EILER) and the Quidan Kaisahan (QK) ng pinondohan ng European Union noong 2015, maraming mga kabataan na sa murang edad na kahit limang taon pa lamang ay nagtatrabaho na sa sakada, mga minahan, at  mga factories.

May mga pagsasaliksik na nagpapatunay na maraming bata ang ginagamit bilang manggagawa sa industriya ng gaya ng sugarcane o tubo, saging, kopra at niyog, mais, mga fashion accessories, pangingisda, pagmimina ng ginto, gold, babuyan, paputok, at pati pornograpiya.

Kapanalig, dapat kasing lakas ng pwersa natin sa paglaban sa droga ang laban din natin sa kahirapan at child labor. Marami ring mga nabibikitimang bata dito, at nawawalan din sila ng kinabukasan.  Hindi kaya ng mga bata lumaban sa isang praktis at sistema na nakamulatan nila dahil sa kahirapan.

 Ang PSeanlipunang Turo ng Simbahan ay laging nagpapa-alala sa atin na bigyan ng mas natatanging kalinga ang pinakamahina at pinakamaralita sa ating lipunan. Sa atin, sila ay mga walang muwang na bata, na isa sa pinakamahirap na sektor ng bayan.

Ang pagbibigay ng natatanging kalinga sa maralita o preferential option for the poor ay parehong obligasyon at bokasyon na dapat natin tanggapin at isabuhay. Ayon nga sa Justice in the World mula sa World Synod of Catholic Bishops: Listening to the cry of those who suffer violence and are oppressed by unjust systems and structures, and hearing the appeal of a world that by its perversity contradicts the plan of its Creator, we have shared our awareness of the Church’s vocation to be present in the heart of the world. Ang ating pagmamahal sa kanila ay pagdadala na rin ng presensya ng Panginoon sa ating mundong pati inosente ay binibiktima. Paalala ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si: Our world has a grave social debt towards the poor… Sinangla na natin kapanalig, ang buhay ng mga child laborers sa ngalan ng kaunlaran.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,773 total reads

 14,773 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,774 total reads

 15,774 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,657 total reads

 31,657 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,034 total reads

 69,034 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,303 total reads

 100,303 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,545 total reads

 175,545 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,236 total reads

 268,236 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 31,658 total reads

 31,658 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,035 total reads

 69,035 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,304 total reads

 100,304 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,546 total reads

 175,546 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top