2,697 total views
Muling hinayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA ang pangamba at pagtutol sa tuluyang pagsasabatas ng Senate BIll No.1359 o Prohibition of No Permit No Exam act.
Ayon sa COCOPEA, ang panawagan na huwag isabatas ang panukala ay dahil sa pagkaluging idudulot nito sa mga private schools kung saan pangunahing maapektuhan at mawalan ng kabuhayan ang mga guro at kawani ng mga paaralan.
Ito ay dahil sa pagbabayad ng mga estudyante ng tuition kinukuha ng mga pribadong paaralan ang kanilang pasahod sa mga guro, pondo sa pagkukumpuni, pagtatayo o pagsasaayos ng mga pasilidad at suweldo ng mga kawani sa paaralan.
Tiniyak rin ng COCOPEA ang pagkakaroon ng mga alternatibong polisiya na pahihintulutan parin makakuha ng exam ang mga kabataan .
Ang panawagan ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng nagkakaisang mensahe sa mga mambabatas at pamahalaan na may lagda ng mga kabilang sa COCOPEA na Catholic Education Association of the PhilippineS (CEAP) Unified TVET of the Philippines, Association of Christian Schools, Colleges and University (ACSCU), Philippine Association of Private School Colleges and Universities (PACU) at Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU).
Sa datos, aabot sa 2,500-private schools ang kasapi ng COCOPEA habang aabot naman sa 1,500 ang miyembro ng CEAP.
Una ng nananawagan CEAP sa mga mambabatas na pag-aralang mabuti ang pagsasabatas ng SB No.1359 dahil nakasalalay sa pagbabayad ng matrikula ng estudyante ang pondong ginagamit ng mga private catholic schools sa pagpapasuweldo ng mga guro at iba pang operational costs.