180 total views
Ito ay sa pagkakaroon ng Segunda Mana Pop-up Store sa Quezon City Hall kung saan maaring makabili ng mga abot kayang kagamitan ang mga Pilipino.
“At, kung naghahanap naman kayo ng mga damit, bags, laruan, accessories… tara na rin dito! Baka kayo na ang second home na hinihintay ng mga item sa Segunda Mana,” ayon sa mensaheng binagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kaniyang Official Facebook Page.
Gayundin ang pagsisilbi ng pop-up store bilang tanggapan ng mga donasyong preloved items na maaring ihatid ng mga Pilipino sa Pamahalaan Lungsod.
“May mga damit o gamit ba kayong hindi na ginagamit pero in good condition pa? Declutter niyo na ‘yan, at i-donate sa Segunda Mana pop-up ng Caritas Manila dito mismo sa Quezon City Hall,” bahagi pa ng mensahe ng Alkalde.
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa Segunda Mana Program ay naisusulong ang decluttering o pagbabawas ng kalat at pagsasabuhay ng 3Rs o Reduce, Reuse at Recycle.
Gayundin ang pagpapaaral sa may anim na libong scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Scholars at pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad sa bisa naman ng Caritas Manila – Caritas Damayan Program.






