COMELEC, hinimok na paigtingin ang voters education

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 378 total reads

Umaasa ang National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) na mas matutukan ng Commission on Elections ang iba’t ibang aspekto sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

Iginiit ni Eric Alvia – tagapagsalita ng NAMFREL dahil sa pagpapaliban ng halalang pambarangay ngayong taon ay magkakaroon ng sapat na panahon ang COMELEC upang paigtingin ang paghikayat sa mas maraming kabataan at hindi pa rehistrado na magparehistro.

Pinayuhan din Alvia ang COMELEC na ipalaganap ang voter’s education na magbibigay kaalaman sa mga mamamayan sa mahalagang tungkuling ng mga opisyal ng Baranggay at mahikayat ang lahat na makiisa sa mga aktibidad sa kanilang pamayanan.

“Sustained effort, give it probably 6-months to 1-year makukuha nila yun, so taasan nila yung registration pangalawa itong voter’s education ano ba talaga yung role ng mga barangay at SK officials dapat malinaw yun sa mga bumuboto, pangatlo syempre yung participation ng mga kabataan imposed the citizen in Barangay affairs kasi lagi tayong nakatuon dun sa National Government…” pahayag ni Alvia sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Alvia na hindi maaring i-pospone o ipagpaliban ang Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections ng walang ipinapasang batas kung saan kasalukuyang pa rin ang mga isinasagawang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na ipagpaliban ito.

Giit ni Alvia, dapat na magkaroon ng masusing pagsusuri ang mga mambabatas sa mga mahahalagang aspekto na kailangang bigyang pansin sa pagpapaliban ng halalan partikular na sa magiging liderato ng bawat baranagay sa bansa.

“hindi mo pwedeng ipospone yung eleksyon ng wala kang batas, sigurado na yan na ipo-pospone yung elections pero yun nga yung mechanics nun like for instance there are certain points that have to be clarified like do you consider all of the incumbent Barangay Officials considered resign from office or elective pa depending on their performance, yun yung pinag-uusapan dun sa house version…” dagdag pa ni Eric Alvia.

Samantala, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration, tinataya ng Commission on Elections na umabot sa 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay na nakatakda dapat sa ika-31 ng Oktubre.

Sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) tinatayang umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

Kaugnay nito, naninindigan naman ang CBCP na ang pagboto ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 10,196 total reads

 10,196 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 44,548 total reads

 44,548 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 138,774 total reads

 138,774 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 199,268 total reads

 199,268 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 213,177 total reads

 213,177 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 293,380 total reads

 293,380 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top