Common good, dapat mangibabaw sa ibibigay na executive clemency sa 127-bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total reads

Umaasa si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum na masusing napag-aralan ng pamahalaan ang mga karapat-dapat na pagkalooban ng Executive Clemency ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo, bukod sa usaping legal ay nararapat ring isaalang-alang ang kapakanan at kabutihan ng lahat sa mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan tulad ng paggagawad ng clemency sa mga bilanggo.

Bukod dito umaasa rin si Bishop Iniguez na tunay na bukas sa pagbabagong buhay ang mga magagawaran ng Executive Clemency na isang pambihirang pagkakataon upang muling makapagsimula sa kanilang buhay sa labas ng piitan.

“Sapagkat ito ay ipinagkakaloob ng batas sa ating Pangulo, sana magamit niya ito para sa kapakanan ng sambayanan kaya yung kung sino yung mga bibigyan niya ng Clemency dapat napag-aralan niya at dapat ay talagang mga bukas at karapat-dapat sa pagtanggap ng clemency na ito hindi yung magbibigay para lamang o dun sa ibang ibig paboran kundi ito’y isaalang alang talaga ang kapakanan ng lahat, ang common good…” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radyo Veritas.

Unang kinumpirma ng Department of Justice ang pagpapalaya sa may 127-inmates ngayong linggo sa pamamagitan ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Clemency partikular na sa mga nasa higit 80-taong gulang na mga bilanggo at mga nakapag-silbi na ng 40-taon sa kanilang sintensya.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay labag sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon na makapagbagong-buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,616 total reads

 66,616 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,365 total reads

 145,365 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,812 total reads

 178,812 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,109 total reads

 214,109 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,896 total reads

 437,896 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top