Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Out-of-control killing sa drug users at pushers, bahagi ng throw away culture

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total views

Itinuturing ng isang Mindanao Bishop na bahagi ng “throw away culture” sa lipunan ang sunod-sunod na pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug users at drug pushers na hindi dumadaan sa due process.

Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, panibagong karahasan at patuloy na kasamaan ang iiral sa bansa kapag patuloy na itinuturing na basura at walang halaga ang buhay ng mga mahihirap na pinaghihinalaang drug users at drug pushers.

Nanindigan ang Obispo na ang lahat ay may karapatan sa due process maging sila ay masama o mabuting tao.

Iginiit ni Bishop Cabantan na ang buhay ng tao ay sagrado at hindi isang basura na walang halaga at itinatapon lamang. Malaking katanungan naman para kay Bishop Cabantan kung bakit mga “small time” o mga maliliit at mahihirap na drug users at pushers lamang ang napapatay sa pina-igting na kampanya ng Philippine National Police sa laganap na droga sa bansa.

Aminado si Bishop Cabantan na masama ang illegal na droga dahil pumapatay ito sa kinabukasan ng isang tao at sumisira sa pamilya, subalit ang pagpatay sa mahihirap na biktima ay panibagong kasamaan na dapat nating labanan.

“We know how evil drugs are, it destroys life, kills the future of the person, it badly affects the family and society, but killing the poor users and pushers is just another evil which should stop. Their life still remains precious which needs to be saved. Violence only escalates in society in that manner. And why only the poor pushers and users are being killed? Are they considered disposables in society, part of a throw away culture?” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Unang ipinangako ni President Rody Duterte na aabot sa 100-libong drugs users at pushers sa kanyang idineklarang war on illegal drugs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 96,389 total views

 96,389 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 142,112 total views

 142,112 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 144,322 total views

 144,322 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 214,396 total views

 214,396 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 219,315 total views

 219,315 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 71,363 total views

 71,363 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 48,936 total views

 48,936 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 87,359 total views

 87,359 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top