Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Damayan sa simula ng taon

SHARE THE TRUTH

 477 total views

Mga Kapanalig, kung marami sa atin ang nagdiwang ng Pasko kasama ang mga mahal natin sa buhay at sama-samang nagsasalu-salo habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin, may mga kababayan naman tayong basáng-basâ, lubog sa baha, at nabalot sa dilim ang dapat sana ay masayang pagdiriwang.

Dahil sa pag-ulang dala ng tinatawag na shear line o ang pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at ng mainit na hangin mula sa Pasipiko, maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang lumubog sa baha sa bisperas ng Pasko. Nagpatuloy ang kanilang kalbaryo hanggang sa araw mismo ng Pasko. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 25,000 pamilya ang kinailangang ilikas, ayon sa Office of Civil Defense. Mahigit 30 na ang naulat na namatay at marami ang hindi pa rin nahahanap. Magiting na sinagip ng mga rescuers ang mga kababayan nating naipit sa baha, at binuksan naman ang mga paaralan upang pansamantalang silungan ng daan-daang pamilyang lumubog sa baha ang kanilang bahay. Hindi naman narating ang ilang komunidad dahil sa mga nasirang tulay, at may mga bahay namang tinangay ng landslide at matinding agos ng dagat.

Sa kanyang mensahe at pagbibigay ng kanyang Urbi et Orbi blessing sa araw ng Pasko, ipinaalala ni Pope Francis sa ating mga Katoliko na ipinanganak si Hesus upang samahan tayo sa ating araw-araw na pamumuhay, upang maging kabahagi natin sa lahat ng bagay: ang ating mga kagalakan at kalungkutan, ang ating mga pag-asa at takot.

Para sa mga kababayan nating nasalanta ng pag-ulan at pagbaha, maaaring walang saysay ang mga salitang ito. Habang masaya at komportableng nagdiriwang ng Pasko ang marami sa atin, nasa panganib ang kanilang buhay, nasira ang kanilang mga tirahan, at nawala ang kanilang kabuhayan. Paano natin masasabi sa kanilang kapiling nila ang Diyos sa kanilang paghihinagpis at pagkatakot sa araw na itinuturing ng marami sa atin bilang pinakamasaya?

Walang sasapat na mga salita upang mapanatag ang ating mga kababayang nasalanta ng matinding pag-ulan sa Visayas at Mindanao. Kayâ higit sa pag-alala sa kanila sa ating mga panalangin, maaari nating maipadama sa kanila ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Muli, gaya ng sinabi ni Pope Francis sa kanyang Urbi et Orbi, ang pagsilang ni Hesus sa isang mundong balót ng kawalang-pakialam at poot ay magtulak nawa sa ating magpakita ng ating solidarity o pakikiisa upang hatiran ng tulong ang mga nagdurusa.

Sa ating makakaya, ibahagi natin sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ang mga biyayang natanggap natin hindi lamang nitong Pasko kundi sa nakaraang taon. Maliit man o malaki, makatitiyak tayong ang ating iniambag ay dadagdag sa kabutihang-loob ng ibang nagbibigay din. Maraming organisasyon ang tumatanggap ng donasyon upang mahatiran ng tulong ang mga nangangailangan sa Visayas at Mindanao. At makatitiyak tayong maging ang Simbahan ay ginagawa ang makakaya nito upang maging daluyan ng ating pakikiramay.

At kapag nakapagbahagi na tayo, huwag nating kalimutang alamin kung ano naman ang ginagawa ng mga tinawag ni Pope Francis sa Urbi et Orbi na may “political responsibilities”. Sila ang mga inaasahan nating mangangasiwa sa paggamit ng ating ibinabayad na buwis para sa kapakanan ng mga kababayan nating nangangailangan. Sila ang unang dapat maghatid ng tulong sa mga nasalanta.

Mga Kapanalig, narito si Hesus upang samahan tayo sa isang bagong taon, kung saan binibigyan tayo ng pagkakataong maging mga “bagong nilalang”, ayon nga sa 2 Corinto 5:17. Nawa’y simulan natin ang 2023 nang may bagong pag-asa—isang pag-asang sana ay ibinabahagi rin natin sa iba sa pamamagitan ng pagdadamayan, lalo na sa mga kapus-palad at malungkot na sisimulan ang bagong taon.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,304 total views

 10,304 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,787 total views

 21,787 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,476 total views

 37,476 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 38,229 total views

 38,229 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,810 total views

 47,810 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,305 total views

 10,305 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMERO

 21,788 total views

 21,788 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,477 total views

 37,477 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 38,230 total views

 38,230 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top