Diocese of Antipolo, nagbabala sa kumakalat na email scam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total views

Nagbabala ang Diocese of Antipolo sa publiko laban sa kumakalat na email scam na gumagamit ng pangalan ni Bishop Ruperto Santos.
Sa advisory ng diyosesis, ibinahagi nito ang kumakalat na email gamit ang pangalan ng obispo.
 “The public is urged to exercise caution regarding a fraudulent email scheme currently circulating that uses Bishop Ruperto Cruz Santos,” ayon sa pahayag ng diyosesis.
Sinabi ng diyosesis na lalo’t nagmumukhang lehitimo ang email dahil sa paggamit ng mga pangalan at gawain ng obispo tulad ng pastoral visits at canonical visitations.
“Scammers are using the name and position of the bishop to send deceptive messages to individuals, including religious leaders and laypeople,” anila.
Pinag-iingat din ang publiko sa mga email mula sa hindi awtorisadong address gaya ng “[[email protected]] at iginiit na “official correspondence from the local Church typically comes from verified diocesan or institutional domains.”
Paalala ng Simbahan na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa online at agad iulat sa Chancery Office o sa parokya ang anumang kahina-hinalang mensahe.
“Verify Before You Comply… do not reply or click any links,” dagdag pa ng diyosesis.
Samantala, tiniyak ng chancery office ng Antipolo ang mahigpit na pagmomonitor hinggil sa usapin upang mapigilan ang patuloy na panlilinlang.
Paalala ng mga opisyal ng simbahan na manatiling alerto lalo na sa mga natatanggap na solicitation letter o anumang kahina-hinalang mensahe online gamit ang pangalan ng mga lider o institusyon ng simbahan upang makaiwas sa scam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 99,527 total views

 99,527 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 121,637 total views

 121,637 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 196,119 total views

 196,119 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 192,514 total views

 192,514 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top