Cardinal Tagle at Bishop Maralit, itinalagang miyembro ng Dicastery for Communication ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,106 total reads

Maituturing na mahalagang pagkilala sa ambag ng Simbahang Pilipino sa larangan ng komunikasyon ang pagtatalaga ng tatlong obispong Pilipino bilang miyembro ng Dicastery for Communication ng Vatican.

Kabilang sa mga hinirang ni Pope Leo XIV sina Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization; San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit; at Guam Archbishop Ryan Jimenez.

Ang pagkakahirang sa tatlong Pilipinong pastol ay nagpapakita ng lumalakas na tinig ng Pilipinas sa pandaigdigang komunikasyon ng Simbahan, partikular sa malawakang ebanghelisasyon sa digital na panahon.

Si Cardinal Tagle ay kilala sa kanyang malawak na karanasan sa global evangelization at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura, habang si Bishop Maralit ay kasalukuyang namumuno sa Office of Social Communications ng Federation of Asian Bishops’ Conferences na isang mahalagang tanggapan sa paghubog ng komunikasyon ng Simbahan sa Asya.

Samantala, si Archbishop Jimenez, na nakabase sa Agaña, Guam, ay kinikilala sa kanyang pastoral at mga adbokasiya sa komunikasyon sa Pacific region.

Ayon sa Vatican, ang Dicastery for Communication ang nangangasiwa sa kabuuang sistema ng media at komunikasyon ng Simbahan, kabilang ang Vatican News at iba pang plataporma, upang mas epektibong maipahayag ang mensahe ng Ebanghelyo sa buong daigdig.

Bukod sa tatlong Pilipino, kabilang din sa mga bagong miyembro ng dicastery ang ilang kardinal at obispo mula sa iba’t ibang kontinente, patunay sa patuloy na pagsisikap ng Simbahan na palakasin ang ugnayan at komunikasyon sa iba’t ibang kultura at bansa.

Ang pagtatalaga sa tatlong obispong Pilipino ay hindi lamang personal na pagkilala, kundi maituturing din na patunay sa mahalagang papel ng Pilipinas sa misyon ng Simbahan sa makabagong larangan ng komunikasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,124 total reads

 88,124 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 165,645 total reads

 165,645 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 199,093 total reads

 199,093 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,391 total reads

 234,391 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,470 total reads

 457,470 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top