Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Tandag, umaasang makabalik na sa kanilang ancestral land ang mga Lumad

SHARE THE TRUTH

 1,255 total views

Ikinagalak ng Diocese of Tandag ang pagbibigay pansin ni President Rodrigo Roa Duterte sa kasalukuyang sitwasyon ng mga katutubong Lumad.

Ayon kay Diocese of Tandag Social Action Director Fr. Antonio Galela, matagal ng suliranin ang kalbaryo ng mga nagsilikas na mga Lumad sa Mindanao.

Umaasa ang pari na tuluyan ng makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga nagsilikas na Lumad dahil sa karahasan at militarisasyon.

Inamin ni Father Galela na ang pagmimina ang isa sa mga dahilan kaya’t napaalis ang mga Lumad sa kanilang lupang tinitirhan at umaasa ito na dahil sa aksyon na ginagawa ngayon ng pamahalaan partikular na ng DENR ay mabibigyan na ito ng solusyon.

“Yun ang problema talaga sa amin yung mga lumad hanggang ngayon nandun pa din sila sa evacuation center hindi pa din sila makabalik sa kanilang bahay at saka were just hoping na meron talagang mangyari lalo na yung sa binabanggit niya na mining activity,”pahayag ni Fr. Galela sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang umabot sa may 3 libong mga katutubong Lumad ang nagsilikas sa Tandag Sports Complex matapos ang serye ng karahasan sa kanilang mga kasamahan.

Inihayag ni Fr. Galela na bukas ang Simbahan sa pakikipagtulungan sa pamahalaan upang mabigyan ng katarungan at makabalik na ang mga Lumad sa kanilang mga lupang tirahan.

Magugunitang ang Diocese of Tandag ang isa mga tumulong upang mabigyan ng sapat na pagkain ang mga nagsilikas na Lumad matapos na magpadala ang Archdiocese of Manila ng P400 libong piso na tulong para sa mga katutubo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 126,528 total views

 126,528 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 134,303 total views

 134,303 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 142,483 total views

 142,483 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 157,245 total views

 157,245 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 161,188 total views

 161,188 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest News
Rowel Garcia

Ihalal ang mga hindi makasariling pinuno

 1,784 total views

 1,784 total views Pumili ng lider na may katangian ng isang mabuting pastol at hindi makasarili. Ito ang panawagan ni Diocese of Kabankalan Bishop Louie Galbines

Read More »
Politics
Rowel Garcia

Boundary sa pangingisda, alisin na

 1,233 total views

 1,233 total views Ito ang naging pahayag ni Lipa, Batangas Archbishop Emeritus Ramon Arguelles matapos na mailigtas ang animnapu’t limang mga Pilipinong mangingisda na nahuling iligal

Read More »
Election Live Coverage
Rowel Garcia

Simbahan, handang makipagtulungan kay Duterte

 1,250 total views

 1,250 total views Tiniyak ni Caritas Philippines na bukas ang Simbahan sa pakikipagtulungan sa bagong administrasyon basta’t ito ay para sa kapakanan ng taongbayan at hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top