Executive order ni Duterte sa Freedom of Information, hamon sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

 231 total views

Pinuri at pinasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng Freedom of Information.

Ayon kay Bishop Pabillo, malaki ang maitutulong ng naging paninindigan ng Pangulo upang tuluyang maisabatas ang panukalang Freedom of Information na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bayan na higit dalawang dekada nang hindi naipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado.

“Yun po ay magandang balita na pinanindigan ng Presidente ang isa sa mga pangako niya nung siya ay nangangampanya na kapag siya ay mahalal na Presidente ay ipapatupad ang FOI kahit na Executive Order lamang. Maraming salamat diyan at maraming salamat din kasi matagal na natin itong ipinaglalaban na magkaroon ng transparency sa governance at ang FOI ay isang paraan para magka-transparency sa governance…” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng Obispo na dapat magsilbing hamon para sa mga mambabatas partikular na sa mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging inisyatibo at pangunguna ng Pangulo sa pagpapatupad ng naturang panukala para tuluyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.

“Ito’y isang hamon rin sa mga pulitiko, lalong-lalo na sa Congress na siyang humaharang nitong FOI na nakaraan yung lower house na hindi makapasa dito. Ito’y isang dapat panawagan sa kanila na gumawa na ng legislation, ng batas, ng RA, hindi lang sapat ang EO o Executive Order, kailangan din natin ng R.A o Republic Act na maging batas talaga ang FOI para ito ay mananatili…” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Lumabas sa SWS survey noong nakalipas na taon na 56- porsyento ng mga business executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,523 total views

 14,523 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,043 total views

 32,043 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,619 total views

 85,619 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,858 total views

 102,858 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,347 total views

 117,347 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,898 total views

 21,898 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,787 total views

 24,787 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top