UST, ika-2 sa pinakamahusay na unibersidad sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,289 total reads

Nananatili bilang ika-2 pinakamahusay na unibersidad sa Pilipinas ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas (UST).

Ito ang lumabas sa pinakahuling Times Higher Education (THE) Asia University Rankings 2026.

“University of Santo Tomas is still the country’s top University with international outlook while also remaining as the No. 2 best school in the country in the Times Higher Education (THE) Asia University Rankings.” Ayon sa pamunuan ng UST.

Sa datos, nananatili ang UST sa bracket na 601–800 matapos makakuha ng kabuuang puntos na nasa pagitan ng 23.3 hanggang 30.8.

Batay sa ulat, nakapagtala ang unibersidad ng 27.4 sa Teaching, 12.2 sa Research Environment, 26.9 sa Research Quality, 21.1 sa Industry, at 59.5 sa International Outlook.

“THE Asia University Rankings 2026 assessed 929 universities in terms of research, teaching, knowledge transfer, and international outlook.” Bahagi ng ulat ng UST.
Umabot sa 929 ang bilang na mga unibersidad na sinuri ng Asia University Rankings sa buong Asya, batay sa iba’t ibang pamantayan kabilang ang pananaliksik, pagtuturo, kaalaman sa industriya, at pandaigdigang ugnayan.

Itinatag ang UST noong April 28, 1611 bilang Colegio de Nuestra Senyora del Santisimo Rosario na kalaunan ay tinawag na Colegio de Santo Tomas bilang pag-alala kay St. Thomas Aquinas.

Taong 1645, idineklara ni Pope Innocent the 10th na Unibersidad ang pamantasan na kalaunan taong 1785 ay ginawaran ng titulong “Royal University” ni King Charles the 3rd ng Espanya.

Taong 1902 ng binigyan naman ng titulong “Pontifical University” ni Pope Leo the 13th ang unibersidad kung saan taong 1947 naman ng ginawaran ni Pope Pius the 12th ng titulong “The Catholic University of the Philippines” ang UST.

Bukod sa mayamang kasaysayang nasaksihan ng UST ay marami na ring mga kilalang personalidad ang nakabisita sa paaralan tulad ng mga Santo Papa at ni Mother Teresa, kung saan ang pinakahuli ay si Pope Francis sa kanyang naging pagbisita sa Pilipinas noong Enero ng taong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,597 total reads

 48,597 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,098 total reads

 135,098 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,135 total reads

 178,135 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,894 total reads

 227,894 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,930 total reads

 386,930 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top