Pananagutan, panawagan ni Bishop Alminaza sa madugong sagupaan sa Negros Occidental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,883 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Pangulo ng Caritas Philippines, ng masusing paghahanap sa katotohanan at pananagutan kaugnay ng karahasang naganap sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental na ikinasawi ng hindi bababa sa 19 na indibidwal noong Abril 19, 2026.

Sa kanyang panibagong pahayag na may titulong “Toboso: In the Search for Truth, Let No Life Be Diminished,” binigyang-diin ng obispo na ang insidente ay nag-iwan hindi lamang ng mga nasawi kundi ng mga tanong na nananatiling walang kasagutan.

Ayon kay Bishop Alminaza, mahalagang pakinggan ang lahat ng panig, mula sa mga awtoridad hanggang sa mga pamilya ng mga biktima, lalo na ang mga nasa laylayan na madalas hindi naririnig ang tinig.

“In situations like this, there is a temptation to choose sides too quickly—to cling to narratives that confirm our biases. Yet if we are to be faithful to truth, we must first learn to listen.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ng Obispo ang hindi matatawarang dignidad ng bawat buhay ng tao, anuman ang kalagayan o paratang kung saan walang anumang bansag ang maaaring mag-alis sa dangal ng isang taong nilikha sa larawan ng Diyos.

Nanawagan naman si Bishop Alminaza ng isang malalim, patas, at transparent na imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari, kabilang ang proteksyon sa mga testigo at pamilya ng mga biktima.

“This is not a question of ideology. It is a question of truth. And truth requires more than statements—it requires credible, independent, and transparent investigation. We therefore call for: A thorough and impartial inquiry by appropriate institutions; Protection for witnesses and families seeking justice; Full transparency in the presentation of evidence.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Giit pa ng Obispo, ang pananagutan ay hindi laban sa mga institusyon kundi paraan upang mapatatag ang tiwala ng mamamayan.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang iba’t ibang sektor kabilang ang mga awtoridad, media, at mamamayan na gampanan ang kani-kanilang responsibilidad sa paghahanap ng katotohanan at pag-iwas sa disimpormasyon.

Samantala, binigyang-diin ng Obispo na ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa katarungan, at ang katarungan ay nagsisimula sa katotohanan.

Ayon kay Bishop Alminaza, “Accountability is not an attack on institutions. It is the means by which trust in those institutions is strengthened. Without truth, there can be no justice. Without justice, there can be no peace. The Responsibility of All. This moment also calls for responsibility from all sectors.”

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 6,295 total reads

 6,295 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 17,717 total reads

 17,717 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 58,565 total reads

 58,565 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 92,692 total reads

 92,692 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 149,098 total reads

 149,098 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 6,296 total reads

 6,296 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top