159 total views
Nakikipagtulungan na ang pamahalaan sa Simbahan bilang bahagi ng ‘inter – agency body’ na tututok sa rehabilitasyon ng mga drug addict na sumuko sa pamahalaan.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development secretary Judy Taguiwalo, kabilang ang Simbahan sa nais bigyang papel ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangang espiritwal ng mga drug surrenderees.
“I think naumpishan na kasi yung inter – agency body tasked by the president to look into taking care of a drug surrenderees including church representatives. So, it’s not in government but also non – governmental organization including church organization,” pahayag ni Taguiwalo sa Radyo Veritas.
Kinilala naman ng kalihim ang pagmimisyon at tungkulin ng Simbahan lalo na sa mga aba ng lipunan na nakakararanas ng iba’t-ibang uri ng karahasan at pang – aabuso na sa ganitong paraan ay patuloy na magiging katuwang ng pamahalaan.
“The rehabilitation of the drug victims the church has been helpful in terms of addressing issue of violence against women, abuse women or street children as well as the elderly. They also have their own institution for that. So we continue to work with them in providing those kinds of services in our capacity as a government agency and the church as a religion,”pahayag ni Taguiwalo.
Patuloy namang tumutugon ang Simbahang Katolika sa pangangailangan ng 1.2 bilyong Romano Katoliko sa buong mundo sa charity armed nito na Caritas Internationalis na pinamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nauna na ring kinilala ang Roman Catholic Church bilang malaking institusyon sa buong mundo na maraming charitable congregations na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao anuman ang pananampalataya nito.