(Climate) change is here

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Mga Kapanalig, narinig natin noong Lunes ang kauna-unanang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabing maraming binaling tradisyon ang kanyang talumpati, tugma sa kanyang motto noong kampanya na “change is coming”. At dahil ang kanyang pamumuno ang inaasam-asam na pagbabago ng mga bumoto sa kanya, marahil, “change is here” na nga. Narito na nga ang pagbabago.

Ngunit may isang “change” na nangyayari na bago pa man nailuklok si Pangulong Duterte. Ito ay ang “climate change,” ang pagbabagong nararanasan ng buong daigdig sa nakalipas na ilang dekada.

Ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng klima sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang epekto nito ay nadarama natin sa tinatawag na global warming o ang unti-unting pag-init ng mundo. Ayon sa mga dalubhasa, may dalawang pangunahing sanhi ng climate change. Una, ang likas na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang panahon. Ang ikalawang sanhi ay ang pagtaas ng nibel ng greenhouse gases sa kalawakan, partikular ang carbon dioxide na resulta ng mga gawain ng tao. Halimbawa nito ang paggamit ng mga sasakyang gumagamit ng petrolyong langis, at ang walang pakundangang pagputol ng mga punong nag-aalis ng carbon dioxide sa hangin.

Kung hindi maiibsan, delubyo ang hatid ng climate change. Sa kasalukuyan, nakararanas ang ibang bansa ng heatwave o kaya naman ay mas mahabang panahon ng tagtuyot. Dito sa Pilipinas, mas malalakas na bagyong nagdudulot ng mapaminsalang pagbaha ang ating nararanasan. Kasabay ng pagtaas ng temperatura ng daigdig ang paglaganap ng mga sakit at malawakang malnutrisyon dahil apektado rin ang suplay ng pagkain.

Kaya nga sa kanyang encyclical na Laudato Si’, inihalintulad ni Pope Francis ang tahanan nating lahat—ang kalikasan—sa isang kapatid na nananaghoy dahil sa kapinsalaang ginagawa natin sa kanya. Dumating na tayo sa puntong itinuturing natin ang ating sarili bilang panginoon at amo na may karapatang abusin ang kalikasan. Pinapaalalahanan tayo ng ating Santo Papa sa ating kaugnayan sa kalikasan: ang ating mismong katawan ay yari sa kanyang mga elemento, inihihinga natin ang kanyang hangin, pamatid-gutom at uhaw ang kanyang katubigan. Panahon na upang itigil ang pagpapabaya at pagmamalabis sa ating kapatid na dumaraing sa kanyang paghihirap.

Dahil nga “climate change is already here”, kinakailangang nang magtulungan ang mga bansa sa buong mundo upang maibsan ang mga sanhi ng pag-init ng daigdig. Upang tumugon dito, nagkasundo ang mga bansang kasapi ng United Nations sa tinatawag na “Paris Agreement on Climate Change”. Kasama ang Pilipinas sa mga bansang nangakong panatilihing mababa pa sa 2 degrees Celsius ang pagtaas ng temperatura sa mundo kumpara noong panahon bago ang industriyalisasyon. Inoobliga rin ng kasunduang magtakda ng national target ang bawat bansa sa pagbawas o paglimita sa kanilang greenhouse gas emissions. Kailangang mag-ulat ang ng mga bansa at i-update ang kanilang mga target tuwing ikalimang taon. Hatid ng Paris Agreement ang pag-asa tungo sa pagbabago.

Nakakalungkot lang ibalita, mga Kapanalig, na noong nakaraaang linggo, ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya kikilalanin ang kasunduan. Katwiran niya, hindi naman daw siya ang pumirma roon. At bakit daw pipigilan ng mga mauunlad na bansa ang Pilipinas kung gusto raw nating maging maunlad kahit na kapalit nito ang ating kalikasan?

Iniisip marahil ng pangulo na wala nang ibang paraan tungo sa kaunlaran kundi ang tularan ang mga industriyalisadong bansang patuloy sa pagsira sa nananaghoy nating kapatid, sa mundong tahanan nating lahat. Ang nakakalungkot pa, taliwas ito sa kanyang sinabi sa kanyang inagurasyon kung saan winika niya, “On the international front and community of nations, let me reiterate that the Republic of the Philippines will honor treaties and international obligations.”

Mukhang kasama sa “change” na ipinangako ng pangulo ay ang mabilis na pagbabagu-bago ng kanyang mga sinasabi.
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 753 total reads

 753 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,029 total reads

 32,029 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 111,943 total reads

 111,943 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,169 total reads

 206,169 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,638 total reads

 266,638 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Protektahan ang mga bata

 755 total reads

 755 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,031 total reads

 32,031 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 111,945 total reads

 111,945 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,171 total reads

 206,171 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »
Scroll to Top