Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,641 total views

Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin si Cavite Fourth District Representative Francisco “Kiko” Barzaga.

Una na siyang sinuspinde noong Disyembre dahil sa mga “inappropriate social media posts and misconduct.” Hindi raw akma sa kanyang posisyon ang mga ipino-post niya sa social media. Tumagal ang suspensyon ni Congressman Barzaga ng 60 na araw.

Ang bagong suspensyon—na tatagal muli ng 60 na araw—ay nag-ugat sa reklamo ng mga kapwa rin niya kongresista. Iniugnay kasi ni Congressman Barzaga ang ilang kabaro niya mula sa National Unity Party na tumanggap ng suhol mula sa isang negosyante. Kapalit ng suhol na ito ang pagboto daw nila kay Leyte Representative Martin Romualdez para maging speaker. Inakusahan din niya ang isang yumaong mambabatas na sangkot sa korapsyon kaugnay ng mga flood control projects. Wala naman siyang matibay na ebidensya. 

May isa ring congressman na gustong disiplinahin si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez. Sa isang privilege speech, hinimok ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang Kamara na disiplinahin ang dating artista at ngayon ay congressman dahil sa umano’y pananakit niya kay Philippine Fencing Association president Rene Gacuma, isang senior citizen, noong nagdaang SEA Games sa Thailand. Kung siya ang tatanungin, gusto rin ni Congressman Gacuma na patawan ng 60 na araw na suspensyon si Congressman Gomez.

Kung inyong matatandaan, lumutang ang isang video kung saan sinugod, pinagalitan, at sinaktan ni Congressman Gomez ang pinuno ng Philippine Fencing Association dahil sa desisyon ng huli ukol sa mga manlalarong isinalang sa fencing. Nagbanta pa raw ang kongresista na haharangin ang pagbibigay ng budget sa asosasyon. Sa testimonya ng opisyal ng asosasyon, sinabi niyang tinapakan ang kanyang paa, inipit ang daliri, at minura. Sa nangyaring komprontasyon, nalagay daw sa alanganin ang buhay ng senior citizen na may kondisyon sa puso at altapresyon. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pang pasya ang Kamara sa kahilingan ng kinatawan ng mga senior citizens.

Mataas dapat ang tingin natin sa mga lingkod-bayad gaya ng mga mambabatas. “Kagalang-galang” o “honorable” nga ang tawag natin sa kanila. Sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dapat sumunod sa mahigpit na panuntunan ang mga mambabatas pagdating sa tamang pag-uugali at gawi. Dapat silang maging propesyunal, walang pinapaboran, tapat, at patas. Hindi nila dapat abusuhin ang kanilang posisyon—na nangyayari kapag nagpapakalat sila ng malisyosong impormasyon o nananakit ng kanilang kapwa. Akma sa kanila ang paalala sa Tito 2:7 na “maging halimbawa ng mabuting ugali,” lalo na’t tangan nila ang kapangyarihang mula sa mga mamamayang nais nilang paglingkuran. 

Ang usapin tungkol sa disiplinang ipinakikita ng ilang kongresista natin ngayon ay maaaring tingnan gamit ang mga panlipunang turo ng Simbahan, partikular na ang tungkol sa pag-iral ng “culture of integrity” o kultura ng katapatan. Kaakibat nito ang wastong pag-uugali, pananalita, at pagkilos. Ang pulitikal na kapangyarihan (o political authority), paalala ng Simbahan, ay dapat ginagamit alinsunod sa mga hangganan ng tinatawag na “moral order”—sa madaling salita, ginagamit ang kapangyarihan sa tama, wasto, at dapat. 

Malinaw na labag dito ang pagpapakalat ng malisyosong impormasyon—pati na rin ang mga social media posts na hindi akma sa mga lingkod-bayan. Salungat din dito ang pananakit sa iba—pisikal man o sa salita—lalo na sa matatanda at may sakit. Sa mga kasong ito, may pag-abuso sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila.

Mga Kapanalig, ang disiplinang inaasahan lagi sa mga mamamayan ay dapat na unang nakikita sa mga pinuno ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disiplina sa Kongreso

 3,643 total views

 3,643 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 80,799 total views

 80,799 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 101,704 total views

 101,704 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 104,857 total views

 104,857 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 123,170 total views

 123,170 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 80,800 total views

 80,800 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 101,705 total views

 101,705 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 104,858 total views

 104,858 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 123,171 total views

 123,171 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 138,341 total views

 138,341 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 284,788 total views

 284,788 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 329,223 total views

 329,223 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 280,827 total views

 280,827 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 280,528 total views

 280,528 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 285,806 total views

 285,806 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »
Scroll to Top