Trabahong mahalaga pero hindi binabayaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 901 total reads

Mga Kapanalig, nasa kalagitnaan pa lang tayo ng National Women’s Month pero kaliwa’t kanan ang mga nakadidismayang balita laban sa kababaihan. Noong mga nakaraang editoryal, tinalakay natin ang political participation at sexual objectification sa mga kababaihan. Ngayon naman ay pag-usapan natin ang aspetong pang-ekonomiya.

Batay sa 2023 Gender Inequality Index, ang porsyento ng kababaihang may secondary education o nakapag-aral sa high school ay halos 64%, samantalang 60% sa kalalakihan. Ang labor force participation rate naman o porsyento ng manggagawang kababaihan ay 50%, samantalang 72% sa kalalakihan. Ayon kay Dr. Rogelio Alicor Panao, propesor sa UP Diliman, ang academic achievement ng kababaihan ay hindi nasasalamin sa labor force participation. Bagamat mas lamang nang kaunti sa edukasyon ang kababaihan kaysa kalalakihan, malaki pa rin ang agwat sa mga manggagawang Pilipino kung saan dehado ang mga babae.

Ang ‘di pagkakapantay-pantay na ito ay bahagyang dulot ng mga nakasanayang pananaw at saloobin tungkol sa gender roles o papel sa lipunang nakabatay sa kasarian. Sa survey ng Social Weather Stations (o SWS), lumalabas na 83% ng mga Pilipino ang sang-ayon na tungkulin ng lalaking kumita ng pera, habang ang babae ay inaasahang asikasuhin ang tahanan at pamilya. Ang ‘di-bayád na trabahong ito—mga gawaing-bahay at pagkalinga sa pamilya na karaniwang pinapasan ng kababaihan at kadalasang minamaliit sa lipunan—ay tinatawag na unpaid care work.

Sa 2021 National Household Care Survey, lumabas na 13 oras ang ginugugol ng kababaihan sa unpaid care work, kumpara sa 8 oras ng kalalakihan. Ayon kay dating Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ipinapakita nito kung sino ang may oras para sa paid work, personal development, at pagpapahinga. Aniya, ang ‘di-pantay na distribusyon ng unpaid care work ay balakid sa pakikilahok ng kababaihan sa ekonomiya. Dagdag pa niya, ang economic empowerment ng kababaihan ay hindi lamang tungkol sa financial independence kundi pati na rin sa pagbibigay ng resources, oportunidad, at support systems gaya ng mga patakaran, serbisyo, at saloobin na kinikilala ang kahalagahan ng care o pagkalinga. Panawagan naman ng Philippine Commission on Women, kailangan nating hamunin ang stereotypes o nakasanayang pananaw sa gender roles at balansehin ang distribusyon ng unpaid care work.

Nakaugat ang ‘di pagkakapantay-pantay na ito sa ating sistemang patriyarkal kung saan nangingibabaw ang kapangyarihan ng kalalakihan sa lipunan. Kaya naman, bagamat marami na tayong progreso sa usaping gender equality, marami pa ring kailangang gawin.

Maging sa Simbahang Katolika ay marami pa tayong kailangang baguhin. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang kulturang patriyarkal natin ay nakabaón sa mga istruktura ng lipunan sa pamamagitan ng kolonisasyon at relihiyon. Wika ni Dr. Nathalie Africa-Verceles, propesor sa UP Diliman, ang relihiyon ay parte ng ating kultura na napakalaking bahagi ng paghubog at pagpapanatili ng gender norms at cultural values na ipinapasa sa mga henerasyon.

Paalala sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang patuloy na diskriminasyon laban sa kababaihan ay bunga ng mahabang kasaysayan ng conditioning o paghubog sa mga paniniwala at asal ng mga tao dahil sa kultura, tradisyon, at mga nakasanayang sistema sa lipunan. Ang pagkokondisyong ito ay nagbabaluktot sa mga karapatan ng mga babae at nagsasantabi sa kanila sa lipunan. Kaya napakahalaga rin ng papel ng Simbahan sa pagbabago ng sistema at kulturang mapang-api sa kababaihan.

Mga Kapanalig, anuman ang ating kinagisnang paniniwala at saloobin, lagi nating tatandaan na tayo ay nilikhang may pantay na dignidad. Bagamat tayo ay may pisikal na pagkakaiba, sa huli, tayong lahat ay iisa. Wika nga sa Galacia 3:28, “Wala nang pagkakaiba … ang lalaki at ang babae.” Tayong lahat ay “tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.” 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,407 total reads

 58,407 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,558 total reads

 137,557 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,002 total reads

 171,002 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,301 total reads

 206,300 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,462 total reads

 430,462 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 58,409 total reads

 58,409 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,559 total reads

 137,559 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,004 total reads

 171,004 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,302 total reads

 206,302 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top