Mining expansions ng Filminera Resources, pinapakansela sa DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Nanawagan ang mga residente ng Aroroy, Masbate sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isantabi ang planong pagpapalawak ng pagmimina ng Filminera Resources Corporation katuwang ang B2Gold Corporation sa Mount Pajo.

Ayon kay Marylou Verano ng grupong Ang Aroroy ay Alagaan (4As), patuloy na nararanasan ng kanilang komunidad ang epekto ng pagmimina mula pa noong 2008, tulad ng kontaminasyon sa tubig, erosion, siltation, fish kill, at pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, pati na rin mga sakit tulad ng tuberculosis, hika, sakit sa balat, at food poisoning.

Binigyang-diin ni Verano na lalo pang malalagay sa panganib ang kabuhayan, pagkain, at kalusugan ng mga residente kapag itinuloy ang mining expansion, lalo na sa Mount Pajo na direktang makaaapekto sa mismong bayan ng Aroroy.

“Our home is not for sale! We say NO to further expansion of Filminera’s mining, especially on Mount Pajo, which will directly affect the town proper of Aroroy. They have already stripped our mountains bare and left our rivers and Port Barera polluted. We will not stand silently while they destroy Mount Pajo and our watersheds,” pahayag ni Verano.

Nanawagan din ang 4As sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag isakripisyo ang kinabukasan ng susunod na henerasyon kapalit ng panandaliang kita.

Hiniling din ng grupo sa DENR na tanggihan ang expansion permit at bawiin ang umiiral na lisensya ng kumpanya, habang nananawagan ng maayos na pagpapatupad ng Social Development Management Program.

Samantala, umapela rin si Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, sa DENR na pakinggan ang hinaing ng mga residente at unahin ang kapakanan ng komunidad at kalikasan kaysa interes ng pagmimina.

Ayon kay Garganera, matagal nang dinaranas ng mga residente ang pinsalang dulot ng pagmimina at dapat nang itigil ang operasyon.

“The government must prioritize the well-being of community residents and their environment and not the interests of the mining corporation,” ayon kay Garganera.

Isinagawa ang panawagan kasabay ng “Mining Hell Week” ng mga kababaihan mula sa mga apektadong komunidad ngayong Women’s Month.

Sa Laudato Si’, mariing nagpahayag si Pope Francis ng pagtutol sa pagmimina dahil nagdudulot ito ng labis na pinsala sa kalikasan at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 58,340 total reads

 58,340 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,478 total reads

 162,478 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,266 total reads

 199,266 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,841 total reads

 229,841 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,869 total reads

 275,869 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,474 total reads

 57,474 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top