Nurse Susie roadshow, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 153 total views

Inilunsad ang “Nurse Susie” Roadshow ngayong Women’s Month upang isulong ang kampanya para sa mas toxics-free hospitals at wastong pamamahala ng healthcare waste sa bansa.

Ipinakilala ang bagong mascot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC), upang magsilbing simbolo ng adbokasiya para sa waste minimization, responsableng pamamahala ng medical waste, at pagpapatupad ng sustainable practices sa mga ospital.

Si Nurse Susie ay kumakatawan sa Toxics-Free Hospital Campaign ng Philippine Healthcare and Mercury Wastes Management Project na pinangungunahan ng United Nations Industrial Development Organization katuwang ang Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau at BAN Toxics.

Ayon kay BAN Toxics Deputy Executive Director Jam Lorenzo, na siya ring Project Manager ng Healthcare Waste Management, mahalagang kilalanin ang tungkulin ng kababaihan sa sektor ng kalusugan dahil sila ang bumubuo sa malaking bahagi ng workforce at mas nalalantad sa panganib ng hazardous waste.

“We chose Nurse Susie as the central character of our campaign because women represent more than 70% of the health profession worldwide. Women are at the frontlines and are always at risk of being exposed to the dangers of hazardous healthcare waste. Introducing her to the public this Women’s Month also serves as recognition of the important role of women in protecting public health and the environment,” pahayag ni Lorenzo.

Ipinakita rin sa programa ang resulta ng waste audit sa ilang ospital kung saan lumabas na nangingibabaw ang plastic waste—77% sa Cagayan Valley Medical Center, 78% sa Eastern Visayas Medical Center, at 84% sa QMMC—na karamihan ay mula sa single-use medical at consumer items.

Binigyang-diin ng mga tagapagpatupad ng proyekto ang pangangailangang bawasan ang paggamit ng plastik at palawakin ang paggamit ng reusable na kagamitan tulad ng PPE o personal protective equipment at medical textiles upang maiwasan ang paglabas ng nakalalasong kemikal.

“Plastic waste is a potential source of toxic chemicals in the environment, and when burned, can emit unintentional persistent organic pollutants (UPOPs) such as dioxins and furans,” ayon kay Lorenzo.

Kasabay nito, inilunsad ang “4Cs” campaign—Change old habits, Cut plastics, Commit to reuse, at Champion sustainability—bilang gabay sa mga ospital tungo sa mas responsableng waste management.

Magpapatuloy ang Nurse Susie Roadshow sa iba’t ibang ospital sa bansa, kabilang ang susunod na gawain sa Eastern Visayas Medical Center sa Marso 25, 2026 at sa Cagayan Valley Medical Center sa Abril.

Ipinapaalala ng Simbahan na ang pangangalaga sa kalusugan at kalikasan ay isang pananagutang moral na nagpapakita ng malasakit sa kapwa at paggalang sa sangnilikha ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,987 total views

 6,987 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,992 total views

 34,992 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,792 total views

 52,792 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,506 total views

 52,506 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,662 total views

 164,662 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,437 total views

 9,437 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top