Lipat na sa renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 306 total views

Mga Kapanalig, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo! Walang dudang epekto ito ng giyera sa Middle East na pinanggagalingan ng langis at gasolina. Hindi rin nakatutulong ang pagsasara ng Iran sa Strait of Hormuz kung saan dumadaan ang maraming supply ng langis. . 

Apektado ang mga tsuper, magsasaka, at mangingisda. Kailangan ang mga produktong petrolyo para makabiyahe ang mga sasakyan, para sa irigasyon ng mga sakahan, at para makalaot ang mga bangka. Apektado rin tayong lahat dahil tiyak na tataas ang presyo ng pamasahe, mga bilihin, at maging ng kuryente. Umaaray tayong lahat.

Para kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pinuno ng Caritas Philippines, ipinapakita nito ang problema kapag nakadepende tayo sa imported na enerhiya! Ang langis ay mula sa fossil fuels na itinuturing na pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya. Kapag pinoproseso, pinatitindi ng fossil fuels ang pag-init ng ating planeta na isa sa mga sanhi ng climate change. Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mistulang panggatong din ang langis sa mga kaguluhan at giyera. Ang resulta: mas malalim na kahirapan at mas malawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang fossil fuels ay nasa puso ng isang modelo ng kaunlarang hindi pangmatagalan. 

Panawagan ng obispo: pabilisin ng pamahalaan ang paglipat sa renewable energy (o RE) sources katulad ng solar, wind, at geothermal. Aniya, “Renewable energy is a peace strategy, a justice strategy and a national survival strategy and not simply a solution to the climate crisis.” Makatutulong ang RE sa pagsusulong ng mas mapayapa, mas makatarungan, at mas makakalikasang lipunan. Dito sa Pilipinas, kung makalilipat tayo sa RE, hindi na tayo aasa sa supply na nagmumula sa ibang bansa. Maisasalba natin ang ating sarili mula sa matitinding epekto ng mga pandaigdigang krisis, katulad ng nararanasan natin ngayon. 

Suportado ang panawagang ito ng iba’t ibang grupo. Para kay Fr. Edwin Gariguez, mula sa Apostolic Vicariate of Calapan at convenor ng Protect the Verde Island Passage (o VIP) Network, kailangan nang matuldukan ang mabigat nating pagdepende sa imported na fossil fuels. Dagdag niya, higit na peligroso ito para sa mga nasa isla, katulad ng Oriental Mindoro kung saan matatagpuan ang Calapan, dahil mananatili ang mga itong vulnerable sa mga pandaigdigang krisis na labas sa ating kontrol. Makatutulong din daw ang paglipat sa RE upang protektahan ang VIP kung saan dumadaan ang mga barko ng langis. Noong 2023, lumubog doon ang MT Princess Empress at mahigit walong-daang litro ng langis ang tumapon. Nasa 1.14 milyong ektarya ng marine ecosystem ang naapektuhan ng oil spill. 

Taong 2015 pa lang, nanawagan na si Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’ na palitan na ang fossil fuels. Para sa yumaong Santo Papa, kailangang magkaroon ng mga progresibong hakbang upang mapag-aralan at makalipat tayo sa mas malilinis na pagkukunan ng enerhiya. Puna rin ng Santo Papa, mabagal ang tugon ng mga lider kung ikukumpara sa tindi ng hamong kinakaharap ng ating mundo. 

Inaatasan tayo ng Diyos sa Genesis 1:28 na pangasiwaan ang ating planeta. Sa kasamaang palad, bigo tayong protektahan ang ating iisang tahanan o common home. Sa gitna ng mga giyera sa mundo, makikita nating magkakakabit ang ating mga problema at hamon. Ang kawalan ng kapayapaan sa Middle East ay may epekto sa mga bansang milya-milya ang layo. Katulad ng problemang dulot ng limitadong supply sa langis, dama rin ng buong mundo ang epekto ng climate change

Mga Kapanalig, isulong natin ang makatarungang paglipat sa RE! Makatutulong ito sa pagkamit natin ng tunay na mapayapa, makatarungan, at makakalikasang mundo. 

Sumainyo ang katotohanan. 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,667 total views

 153,667 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,890 total views

 183,890 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,536 total views

 210,536 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,509 total views

 305,509 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,499 total views

 316,499 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,669 total views

 153,669 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,892 total views

 183,892 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,538 total views

 210,538 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,511 total views

 305,511 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top