Titulong pambansang dambana, ipinagkaloob sa St.Therese of the Child Jesus parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na kaakibat ng pagkakaloob ng titulong pambansang dambana sa National Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus sa Mayamot, Antipolo City ang mas malaking pananagutan ng Simbahan na maging bukás sa mga mananampalatayang naghahanap ng pag-asa at paggabay sa pananampalataya.

Sa kanyang homiliya sa maringal na deklarasyon ng dambana, sinabi ng kardinal na higit pa sa karangalan ang pagkilala sa simbahan bilang pambansang dambana ni Santa Teresita ng Batang Hesus.

“This is not only an honor and a title but also a responsibility and a commitment as you open the doors of the sanctuary to all who seek the intercession of Saint Therese and desire to learn from her little way of holiness,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Nauna rito, sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang deklarasyon ng dambana ay hindi lamang pagkilala sa isang gusaling simbahan kundi sa buhay na pananampalataya ng mga debotong patuloy na lumalapit kay Santa Teresita.
“This moment is not only a recognition of a place, but more importantly, it is an affirmation of a vibrant faith and devotion that has flourished in the hearts of the faithful who have come here seeking her intercession,” ani Bishop Santos.

Ayon sa obispo, inaasahang magiging lugar ng panalangin at pag-asa ang dambana para sa mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“It is fitting that this shrine becomes a place where pilgrims from all over our nation may encounter the tenderness of God’s love and be renewed in faith,” dagdag pa ng obispo.

Samantala, ipinahayag naman ni Fr. Noel Rabonza, rector at kura paroko ng dambana, ang pasasalamat sa Simbahan at sa mga mananampalatayang tumulong upang maisakatuparan ang makasaysayang deklarasyon.

“We commit and accept our responsibilities as a National Shrine… to foster a deeper devotion to St. Therese, to serve as a center for catechesis, evangelization, and pastoral charity, and to promote national pilgrimages that inspire the faithful to grow in holiness and missionary spirit,” mensahe ni Fr. Rabonza.

Paliwanag naman ni Cardinal Advincula na ang dambana ay inaasahang maging lugar ng kaginhawaan para sa mga mananampalatayang dumaranas ng pagsubok sa buhay.

“The sanctuary, now elevated as a national shrine, is meant to be such a place—a place of joy and consolation, a place where hearts that are weary, troubled, or burdened by life’s trials can come to rest in Him who alone consoles,” ani ng kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang malalim na debosyon ng mga mananampalataya kay Santa Teresita na kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.“We have just declared this church to be the national shrine of St. Therese of the Child Jesus, a saint beloved by countless people not only around the country but around the world,” dagdag pa ng arsobispo.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ng kardinal ang sentrong mensahe ng “Little Way” ni Santa Teresita—ang ganap na pagtitiwala sa pag-ibig at awa ng Diyos.

Hinimok din ng kardinal ang mga mananampalataya na huwag matakot lumapit sa Diyos kahit sa gitna ng kahinaan at pagkukulang.

“Our emptiness, our weakness, limitations, and poverty do not repel God. On the contrary, it attracts His mercy,” ani ng kardinal.

Itinuturing na mahalagang yugto sa buhay pananampalataya ng mga deboto ang deklarasyon ng National Shrine of St. Therese of the Child Jesus na inaasahang lalo pang magpapalalim sa debosyon ng mga mananampalataya mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang sa ika-130 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong July 2025 nang katigan ng mga obispo ang kahilingang itaas bilang national shrine ang dambana ng St. Therese.
Ito na ang ikalawang national shrine ng Diocese of Antipolo at ika – 35 sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,728 total reads

 77,728 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,463 total reads

 172,463 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,731 total reads

 216,731 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,840 total reads

 239,840 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,475 total reads

 311,475 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top