Earth Day 2021, paalala na itigil na ang pagwasak sa kalikasanKabayaan ng pamahalaan sa manggagawang Filipino, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 371 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at pagkilala ang Church People – Workers Solidarity sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig sa paggunita ng International Labor Day.

Sa opisyal na pahayag ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairperson ng Church People – Workers Solidarity ay kinilala ng Obispo ang pagsusumikap at pagsasakripisyo ng lahat ng manggagawa, unyon, at iba pang mga grupo na nagsusulong ng mas maayos na pagkilala at patas na mga benepisyo.

“CWS joins the millions of workers worldwide in commemorating International Labor Day. On this special day, we pay tribute to the struggles and sacrifices made by workers, unions, working class movements in advancing dignified labor.” pahayag ni Bishop Alminaza

Ayon sa Obispo, isang pambihirang pagkakataon ang paggunita ng Labor Day ngayong taon kung saan ginugunita rin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa gayundin ang idineklarang Year of St. Joseph ng Santo Papa Francisco na patron ng mga manggagawa.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, tulad ng matapang at matiyagang pagharap ni San Jose sa misyong iniatang sa kanya ng Panginoon ay kapansin-pansin rin sa mga Filipinong manggagawa ang katangiang ito ni San Jose.

[smartslider3 slider=21]

Inihayag ng Obispo na tulad ni San Jose ay mas higit na naipapamalas ng mga manggagawang Filipino ang pagsusumikap na magsilbing inspirasyon at daluyan ng pag-asa.

“Inspired by the life of St. Joseph, Filipino workers remain strong and courageous in the midst of the covid-19 pandemic. They look up to their patron who made hidden sacrifices to protect others. Indeed, in this time of crisis, St. Joseph shines as an inspiration, a unifying and central figure to look up to.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Partikular namang pinuna ni Bishop Alminasa ang kapabayaan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan at sitwasyon ng mga Filipinong manggagagawa sa bansa na higit na apektado ng krisis na dulot ng pandemya.

Iginiit ng Obispo na bukod sa kakulangan ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa mula sa pagkakalantad sa COVID-19 virus ay mas higit na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang kalagayan ng ekonomiya sa halip ang buhay ng mamamayan.

“Filipino workers are among the most affected by onslaught of covid-19. Government apathy and inefficiency has failed to protect workers’ safety and health. In the guise of “reviving the economy”, workers’ safety and lives are put in jeopardy. Every day, millions of workers continue to suffer from the ever worsening socio-economic conditions brought about by record high unemployment rate, skyrocketing prices of basic commodities, and lack of income.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Inihayag ng Obispo na ang mga manggagawa ang tunay na pundasyon ng matatag na ekonomiya sa bansa kaya’t marapat lamang na bigyang prayoridad ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga mass testing at contact tracing.

Kaugnay nito batay sa tala ng IBON Foundation mula ng magsimula ang COVID-19 sa bansa noong nakalipas na taon ay tinatayang aabot na sa 10.5 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho at nananatiling unemployed na higit na nangangailangan ng tulong upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

 

Download this >>> CWS-labor-day-2021-Msg

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 3,785 total views

 3,785 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 18,087 total views

 18,087 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 35,038 total views

 35,038 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 83,534 total views

 83,534 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

FEAR- MONGERING

 93,350 total views

 93,350 total views “Fear-mongering”… Walang kabuluhang aksyon, propaganda, pananamantala,.. layuning magdulot ng pangamba at takot upang maimpluwensiyahan ang opinyon at gawi ng mamamayan. Kawawang manggagawa., Kapanalig,

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

YSLEP ng Caritas Manila, pinuri ng Arsobispo

 4,343 total views

 4,343 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang pag-asang hatid ng iba’t ibang mga inisyatibo upang matulungan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top