Sa gitna ng krisis sa langis, Obispo nanawagan ng pagkakaisa at reporma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,474 total views

Nanawagan ng pagkakaisa at reporma ang Obispo ng Diyosesis ng Gumaca sa gitna ng krisis sa langis at transportasyon dulot ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa pamamagitan ng isang liham pastoral, binigyang-diin ni Gumaca Bishop Euginius Cañete na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng matinding hirap sa mga drayber, komyuter, at manggagawa.

Ayon sa Obispo, hindi lamang ito krisis sa enerhiya kundi krisis sa karapatang makapagtrabaho at makapamuhay nang may dignidad.

“Hindi lamang ito krisis ng langis, kundi krisis ng pagbiyahe upang maghanapbuhay. Ang transportasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ito ang daan upang makapagtrabaho, makapag-aral, makapagpagamot, at makapiling ang pamilya. Kapag pumalpak ang sistema ng transportasyon, ang mahihirap ang unang naiiwan.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cañete.

Hinimok din ni Bishop Cañete ang pamahalaan na magpatupad ng makatarungang reporma sa transportasyon at ekonomiya na tunay na maglilingkod sa mamamayan.

Nanawagan din ang Obispo ng sama-samang pagkilos mula sa pagtutulungan sa komunidad, pagtitipid sa konsumo ng langis, hanggang sa pananalangin at bolunterismo sa komunidad.

“Buong lakas nating ipinahahayag ang panawagan para sa tunay at sistemikong reporma sa transportasyon. Kailangan nating magtatag ng sistemang naglilingkod sa nakararami, kumikilala sa karapatan ng mga drayber, komyuter, at manggagawa, at nakaugat sa kabutihang panlahat.” Dagdag pa ni Bishop Cañete.

Sa kabila ng krisis, pinaalalahanan din ni Bishop Cañete ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa, sapagkat ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paanyaya sa pagbabagong-buhay ng lipunan tungo sa katarungan at pagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 31,239 total views

 31,239 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,462 total views

 61,462 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 88,113 total views

 88,113 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 183,086 total views

 183,086 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 202,232 total views

 202,232 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top