Edukasyong humuhubog ng pagkatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Mga Kapanalig, inaprubahan noong nakaraang linggo ni Pangulong Duterte ang budget para sa taóng 2017. May kabuuang 3.35 trillion pesos ang budget na ilalaan at gugugulin ng pamahalaan para sa iba’t ibang programa nito, kasama rito ang matrikulang libreng ipagkakaloob sa mga estudyante sa mga state universities and colleges o SUC. Magandang Pamasko nga ang balitang ito.

Sa nasabing halaga ng budget ng pamahalaan, 8.3 bilyong piso ang inilaan para sa Commission on Higher Education o CHED. Dito kukunin ang libreng tuition para sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad na pinatatakbo ng pamahalaan. Tinatayang 1.4 milyong mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na taon ang makikinabang sa libreng tuition.  

Gaya ng inaasahan, ikinatuwa ng marami, lalo na ng mga magulang, ang balitang ito. Gayunman, may mga nagtatanong: patas at makatwiran nga bang pagkalooban ng libreng matrikula ang lahat ng estudyante sa mga SUC?

Aminado ang CHED na ang libreng tuition ay mas pakikinabangan ng mga estudyante mula sa mga pamilyang may kakayanan sa buhay. Samantala, kahit pa libre ang matrikula ng mga estudyante mula sa mahihirap na pamilya, marami sa kanila ang wala namang kakayanang tustusan ang kanilang iba pang gastusin gaya ng pambayad sa dormitoryo at mga proyekto, kaya’t nariyan pa rin ang posibilidad na hindi magtuluy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Kaya’t noong dinidinig pa sa Kongreso ang budget ng commission, mas may pagkiling ang CHED sa pagbibigay ng mas malaking subsidya o kaya naman ay libreng tuition nga sa mga mahihirap na mag-aaral. Ang pondong sa halip na ibigay para mailibre rin ang mga mas maykayang estudyante ay maaari namang igugol sa mga programang makatutulong sa mga nangangailangang mag-aaral.

Nawa’y maging malinaw sa mga susunod na buwan ang programang ito ng ating pamahalaan, lalo na’t makatutulong ito upang mahikayat ang mga mahihirap na pagpursigihan ang kanilang pag-aaral. Magandang motibasyon ito para sa mga mag-aaral na maaaring binitawan na ang kanilang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Higit sa lahat, ang pagtulong sa mga mag-aaral ng SUCs ay malinaw na pagtataguyod ng kanilang karapatan sa edukasyon, bagay na kinikilala natin sa Santa Iglesia bilang mahalagang bahagi ng dignidad ng tao. Ayon sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, mahalagang makakamit ang tao ng edukasyon upang siya ay makapag-ambag sa panlipunang kaayusan at kaunlaran.

Ang edukasyong natatanggap sa mas mataas na antas, gaya ng sa kolehiyo, ay may partikular na halaga dahil dito higit na natutunan at nauunawaan ng tao ang kanyang mga pananagutan sa mas malawak na lipunang kanyang ginagalawan. Ayon pa rin sa Gaudium et Spes, upang magampanan ng tao ang kanyang mga obligasyon hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi para sa ikabubuti ng lipunang kanyang kinabibilangan, kailangan niyang matutunan ang isang mas mataas na nibel ng kultura o pamumuhay. Ito ang antas ng edukasyong ibinibigay dapat sa mga pamantasan. Malaking tulong kung gayon ang libreng matrikula para sa mga estudyante sa SUCs dahil darami ang mga Pilipinong hindi lamang mapapahusay ang talento at kasanayan kundi mahuhubog ang buong pagkatao na kailangang-kailangan sa panahon natin ngayon.  

Marami pang detalye ng programang ito ng CHED ang kailangan pang linawin. Paano ang magiging trato sa mga mag-aaral na may kakayanan naman sa buhay? Ano nga ba ang pangunahing layunin ng pondong ito: ang mabigyan ba ng libreng kolehiyo ang bawat Pilipino o ang mabigyan ng mas malaking oportunidad ang mahihirap na makapagtapos ng kolehiyo nang sa gayon ay mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay? Maipagpapatuloy ba ito hanggang sa mga susunod na taon?

Sa huli, ang higit na magandang pamasko ay ang pagtiyak ng pamahalaan na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, ay magkakaroon ng de-kalidad na edukasyon—edukasyong tutulong sa kanilang maging kapakipakinabang sa pamilya at sa bansa, edukasyong humuhubog sa kanilang pagkatao.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,633 total reads

 18,633 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,021 total reads

 53,021 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,503 total reads

 89,503 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,715 total reads

 107,715 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,073 total reads

 191,073 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,635 total reads

 18,635 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,023 total reads

 53,023 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,505 total reads

 89,505 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,717 total reads

 107,717 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top