Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Eleksyon sa Amerika

SHARE THE TRUTH

 283 total views

Mga Kapanalig, katulad ng naging eleksyon dito sa atin, nilahukan ng mga kontrobersyal na personalidad ang eleksyon sa Estados Unidos. Ang dalawang taong nagnanais maging pinakamakapangyarihang tao sa isa sa pinakamaimpluwensyang bansa sa mundo ngayon ay may kani-kaniyang kinasasangkutang isyu. Magkaibang-magkaiba rin ang kanilang mga pananaw sa iba’t ibang usapin gaya ng immigration, healthcare, women’s rights, at foreign policy. At bukas nga, isa sa kanila ang pipiliin ng mga mamamayan ng Amerika bilang kanilang bagong pangulo.

Bakit mahalagang may nalalaman tayo tungkol sa halalan sa Amerika, lalo na’t kung babalikan natin ang mga naging pahayag at pahiwatig ng ating pangulo na may kinalaman sa ating ugnayan sa Estados Unidos, masasabing lumilipat ang atensyon ng pamahalaan papalayo sa Amerika? Hindi ba’t mas may pagkiling ang ating pangulo sa mga bansang kakiskisan o kaalitan ng Amerika gaya ng China at Russia? Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang kalalabasan ng mistulang unti-unti nating paglayo sa Amerika, ngunit tiyak na malaki ang magiging implikasyon ng magiging resulta ng halalan doon hindi lamang sa mga patakarang bubuuin at ipatutupad ng ating pamahalaan kundi sa buhay nating mga Pilipino.

Malaki na nga ang ipinagbago ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika mula noong tayo’y napasailalim sa kanilang pamamahala. Masalimuot at madugo ang bahaging iyon ng ating kasaysayan, ngunit ipinunla sa mga panahong iyon ang ilan sa mga bagay na hanggang ngayon ay dama pa rin natin. Kabilang na nga rito ang mga kaisipang may kinalaman sa demokrasya, sistemang pulitikal, at sistemang pang-edukasyon. Sa paglipas ng panahon, nagawa nating iangkop ang mga ito sa ating sariling kalagayan at pangkalahatang buhay bilang isang bansa. (Ibang usapin na nga lang kung nakabuti ang mga ito o hindi, lalo na’t patuloy ang pamamayani ng interes ng mga mayayamang nagawang ilihis ang batas at mga patakaran para pangalagaan ang kanilang pamilya at mga negosyo.)  

Sa larangan ng kalakalan, nananatiling pangunahing destinasyon ang Amerika ng ating mga produkto gaya ng electronics, textiles, at coconut oil. Sa usaping pang-seguridad, maraming taon na nating katuwang ang Amerika sa paglaban sa banta ng terorismo, partikular na sa Kanlurang Mindanao. Makailang beses na rin tayong pumasok sa kasunduan sa kanilang pamahalaan upang palakasin ang kapasidad ng ating sandatahang lakas, bagamat karamihan sa mga eroplano at barkong pandigma na kanilang ibinabahagi ay napaglumaan na o hindi ganoon ka-moderno.

Marami na rin tayong kababayang nagtatrabaho roon, lehitimo man o undocumented, o kaya naman ay doon na naninirahan. Ang kanilang pipinapadalang pera o remittances sa kanilang mga kapamilya rito sa Pilipinas ay malaki ang naiaambag sa ating ekomoniya. Tiyak na may epekto sa kanilang magiging kapalaran ang mga patakarang may kinalaman sa immigration na ipatutupad ng susunod na presidente.

Sinuman ang manalong pangulo ng Estados Unidos, mahalagang maipagpatuloy ang ugnayan ng ating bansa sa Amerika. Hindi lamang ito tungkol sa mga pakinabang na natatanggap natin. Bilang bahagi ng isang pandaigdigang pamayanan o “global community”, maging ang mga problemang kinakaharap ng ibang bansa ay mga problemang may epekto rin sa buhay ng iba. Ito ang tinatawag na “globalization of problems”, bagay na kinikilala ng panlipunang katuruan ng Santa Iglesia. Dahil ang mga isyu ng isang bansa ay isyu rin ng iba, napakahalagang magkaroon ng magkakatugmang hakbang at pagkilos ang mga bansa upang matiyak na naisusulong nila ang layunin ng tunay na kapayapaan at kaunlaran para sa lahat. Sa ganitong paraan, higit na nagiging posible ang pagbabahaginan ng biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa sanlibutan.

Mga Kapanalig, ipagdasal po natin ang mga mamamayan ng Amerika. Nawa’y maging mapayapa ang pagpili nila ng bago nilang presidente.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 27,894 total views

 27,894 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 39,611 total views

 39,611 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 60,444 total views

 60,444 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 76,874 total views

 76,874 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 86,108 total views

 86,108 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 27,895 total views

 27,895 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 39,612 total views

 39,612 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 60,445 total views

 60,445 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 76,875 total views

 76,875 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 86,109 total views

 86,109 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 73,971 total views

 73,971 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 82,030 total views

 82,030 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 103,031 total views

 103,031 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 63,034 total views

 63,034 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,726 total views

 66,726 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,307 total views

 76,307 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 77,969 total views

 77,969 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,300 total views

 95,300 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,283 total views

 71,283 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 64,140 total views

 64,140 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top