Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Coco levy fund, ibigay na sa coconut farmers

SHARE THE TRUTH

 264 total views

“Gamitin ang pondo ng Coco Levy para sa kapakanan ng mga magniniyog.”

Iginiit ni dating CBCP – president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na huwag ipagkait sa mga magniniyog ang kanilang benepisyo na matagal na nilang ipinaglalaban na hinarang at pinigil naman ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Pahayag pa ni Arcbishop Cruz marapat lamang ang ginawang pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit sa P74 na bilyong pisong coco levy fund na ilalaan para sa mga magniniyog at kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Archbishop Cruz tinutupad lamang ni Pangulong Duterte ang kaniyang naging pangako noong eleksyon sa mga magniniyog na hindi nito hahayaang mapasakamay ng pribadong sektor ang kanilang benepisyo.

Nauna na rin aniyang pinaniniwalaang ginamit ni Danding Cojuangco Jr., na tiyuhin ni dating Pangulong Aquino, ang naturang pondo upang makuha ang simpatya ng United Coconut Planters Bank, San Miguel Corporation at iba pang negosyante.

“Kaya yung coco levy fund ay for the good of the coconut farming and farmers. Kaya yun ang dahilan niyan, kaya sana huwag gamitin para sa iba kundi gamitin talaga sa kinauukulan at kung saan kinuha dun ibalik sa pamamagitan ng benepisyo. Kung coco levy funds ay ibibigay mo gagamitin mo sa iba yun ay isang pagnanakaw, yun ay pagkuha ng pera na hindi marapat gawin sapagkat yung perang yun ay intended for certain objectives. Sige yung coco levy funds ay for coco levy farmers and for the good of the coconut industry,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas.

Magugunitang nuong 2015 ay pinigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng Executive Orders 179 at 180 na inisyu ng dating Pangulong Aquino na may kinalaman sa coconut levy fund.

Nabatid na 3.5 milyon hanggang 4.5 milyon ang mga magsasaka na napapabilang sa pinakamahihirap sa bansa.

Samantala, noong Abril taong kasalukuyan ay inialay ni Pope Francis ang kanyang prayer intention sa mga magsasakang sinasamantala ng mga kapitalista.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 27,802 total views

 27,802 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 39,519 total views

 39,519 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 60,352 total views

 60,352 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 76,782 total views

 76,782 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 86,016 total views

 86,016 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,372 total views

 37,372 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,429 total views

 36,429 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,559 total views

 36,559 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,538 total views

 36,538 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top