Mahinang pundasyon ng pamilya, ugat ng paglaganap ng iligal na droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Tungkulin ng lipunan na patatagin ang pundasyon ng pamilya upang masolusyunan ang lumalalang krisis sa iligal na droga.

Ito ang ang inihayag ni dating CBCP – Epicopal Commission on Family and Life chairman at San Fernando, Pampanga Archbishop Emeritus Paciano Aniceto sa dumaraming bilang ng extra – judicial killings sa bansa dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Paliwanag ni Archbishop Aniceto kinakailangan ng “total societal concept” na pagsugpo ng iligal na droga kung saan nagtutulungan ang gobyerno, simbahan at komunidad sa pagpapatatag ng pundasyon ng pamilyang Filipino.

“Pumapasok yung mga iba’t ibang aspeto na solusyon na dapat ibigay. ‘Di pwede yung mga bilis bilisan, kung anu yung naisip natin lamang. This is a total societal concept kaya kailangan ang pamilya dyan nanggagaling ang buhay at ang pamilya sabi ng constitution ng Pilipinas, ‘the family is the foundation of society it has the invariable right,’ na dapat itong pamilyang ito igalang ang kasagraduhan ng pamilya at dapat ay ipagtanggol ng gobyerno ang pamilya kaya yung ating sistema sa CBCP ay ‘the Pilipino family are missionary disciple of the eucharist,’” pahayag ni Archbishop Aniceto sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Kailangan rin aniyang pagtibayin ng pamahalaan ang “judicial structure” ng bansa na iginagalang dapat ang kasagraduhan ng buhay at lalo’t higit ang pamilya na siyang pinakamaliit na pangkat ng lipunan.

“Gaya ng total societal responsibility kasama po diyan ang simbahan, gobyerno, ahensya ng gobyerno, DSWD strengthen the judicial structure at hustisya. Ito ay mabilis na proseso, kailangan ng tunay na pagninilay-nilay, discernment we pray over it biological interaction element of society,” paliwanag pa ni Archbishop Aniceto sa Radyo Veritas.

Nabatid na mula July 1 hanggang unang Linggo ng Nobyembre taong kasalukuyan tinatayang nasa mahigit apat na libo na ang namatay na may kinalaman sa patuloy na kampanya kontra iligal na droga.

Magugunitang matagal na ring ipinaglalaban ni Archbishop Aniceto ang kasagraduhan ng buhay lalo noong inihain sa 15th Congress ang Reproductive Health Law at ang Divorce kung saan nahati pa ang lupon ng mga kongresista sa “Team Buhay” at “Team Patay.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 77,870 total views

 77,870 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 101,029 total views

 101,029 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 122,303 total views

 122,303 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 286,784 total views

 286,784 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 220,471 total views

 220,471 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top