Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkamatay ni Mayor Espinosa sa kulungan, kinondena ng CHR

SHARE THE TRUTH

 192 total views

Kinondena ng Commission on Human Rights ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay City Provincial Jail.

Mariing kinondena ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na siyang Head ng National Task Force Against Extra Judicial Killing ang insidente at binigyang diin ang tungkulin at responsibilidad ng mga otoridad na sundin at ipatupad ang batas.

“Itong nangyari ngayon this is a killing that was done by actually authorities, diba? Security forces kasi ang nagpatay sa kanya would be the CIDG, PNP; so hanggang hindi natin na iimbestigahan ito, itong particular case na ito at hindi natin naipakita na ito’y hindi isang deliberate killing eh madi-define natin as Extra Judicial,yan, ” pahayag ni Pimentel-Gana sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito, nanawagan si Atty. Gana sa Philippine National Police at ilang pang mga kunektadong ahensya kasama na ang mismong Baybay City Provincial Jail na magsagawa ng naaangkop na imbestigasyon para malaman upang ang tunay na naganap sa likod ng pagkamatay ng sumukong Alkalde.

Bukod dito, inatasan na rin ni Atty. Gana ang CHR Regional Office na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa naganap na insidente.

Samantala, sa pinakahuling datos ng PNP, tinatayang umaabot na sa 4 na libo ang napatay sa ilalim ng patuloy na War on Drugs ng pamahalaan mula noong buwan ng Hulyo kabilang na ang ilang mga kusang sumuko sa ilalim ng programa ng PNP na Oplan Tokhang.

Una nang iginiit ng Simbahang Katoliko na nararapat pa ring pairalin ng mga otoridad ang proseso ng batas at bigyang paggalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,090 total views

 7,090 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,406 total views

 15,406 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,138 total views

 34,138 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,644 total views

 50,644 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,908 total views

 51,908 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 16,985 total views

 16,985 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top