Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

The end doesn’t justify the means- Bp. Bacani sa extrajudicial killing

SHARE THE TRUTH

 190 total views

Hindi kailanman naging tama ang pagpatay upang malutas ang isang krimen.

Ayon kay Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani Jr., ang mabuting layunin ay hindi ginagawang mabuti ang maling pamamaraan lalo na sa usapin ng extrajudicial killing.

Sinabi pa ng obispo, na may magandang epekto ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, subalit marami rin itong masasamang bunga.

Idinagdag pa ni bishop Bacani na ang lahat ay may karapatang magbagong buhay at mabuhay maging sila man ay mga kriminal.

“Very simple, sa extrajudicial killings, unang napakahalagang prinsipyo hindi lang sa constitutional law kundi sa moral law ng Panginoon, ‘the end does not justify the means’, ang mabuting layunin di ginagawang mabuti ang maling pamamaraan, kung may kamalian gawin ang the most we can do dapat gamitin ang buhay ng tao at ang kanyang karapatan sa buhay ay hindi rin naman masasagasaan basta- basta lamang, makikita mo ang dahilan ng istorya, may magandang epektong nangyayari pero marami rin masasamang epekto na nangyayari,” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Samantala, patuloy ang paglaki ng bilang ng mga napapatay sa operasyon ng gobyerno laban sa iligal na droga sa kabila ng mga batikos ng ilang sektor sa mga serye ng pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers at users.

Sa latest data ng PNP, nasa 395 na ang napapatay mula lamang July 1-August 1 habang 5,251 ang naaresto.

Umaabot na sa 545,589 sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang boluntaryong sumuko.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang pagpatay lalo na at sinisentensiyahan nito ang mga indibidwal na nagkasala ng hindi dumaraan sa legal na proseso na isang paglabag sa kanilang dignidad at karapatan na mabuhay.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 67,394 total views

 67,394 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 75,169 total views

 75,169 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 83,349 total views

 83,349 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 98,995 total views

 98,995 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 102,938 total views

 102,938 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,487 total views

 89,487 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,091 total views

 86,091 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,754 total views

 32,754 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,765 total views

 32,765 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,769 total views

 32,769 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top