Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ENDO, itigil na

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Pinakikilos ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs ang DOLE o Department of Labor and Employment laban sa natitira pang kumpanya na nagpapatupad ng “end-of-contract” sa bansa.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, kalihim ng komisyon, kailangang ipagpatuloy ng DOLE ang target nito na umabot sa 50 porsyentong mawakasan ang kontrakwalisasyon sa pagtatapos ng taong 2016 at bigyan ng benepisyo at job security ang mga manggagawang kontraktuwal.

“Ating pinapasalamatan ang Diyos at dinidinig Niya ang panalangin ng mga mahihirap. Sana maipagpatuloy na ma – ireform nila yun sapagkat talagang kawawa ang manggagawa. So they must continue kung mayroon pang natitira na kontraktwal pa ay bigyan nila ng special benefits ang mga workers,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinayuhan rin nito ang mga employers na hindi pa rin tumatalima sa DOLE na magpakita naman ng habag at malasakit sa kanilang mga empleyadong kontraktuwal dahil ito ay labag sa kanilang dignidad.

“Sila ay magbago na sapagkat injustice yan sa mga manggagawa, yan ay kasalanan at hindi sila mapapatawad ng Diyos. Yan ay unjust sa mga manggagawa baguhin na nila ang pagpapatakbo at sana mamayani yung pagmamahal sa kapwa tao at kailangan sundin talaga yan,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.

Nabatid batay sa ulat ng DOLE mahigit 10, 000 manggagawa o katumbas pa lamang sa 20 porsyento ang agad na ginawang regular ng halos 200 business establishment.

Kabilang sa mga kumpanyang tumalima sa kautusan ng DOLE ay ang Philippine Seven Corporation na operator ng 7-11 convenience store na nag – regular ng 800 empleyado habang 4,800 manggagawa naman ang ginawang regular ng SM Group of Companies.

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa United Nations na mahalagang kilalanin ng mga negosyante na mas nakahihigit ang dignidad ng tao kaysa kanilang kikitain.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,623 total views

 107,623 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,398 total views

 115,398 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,578 total views

 123,578 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,564 total views

 138,564 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,507 total views

 142,507 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,692 total views

 39,692 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,677 total views

 38,677 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 38,807 total views

 38,807 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,786 total views

 38,786 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top