Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Faith Beyond Doubt’: Jesuit Commission, hinikayat ang mga Pilipino na panindigan ang Diwa ng EDSA

SHARE THE TRUTH

 2,475 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Jesuit Commission on the Social Apostolate sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Sa inilabas na pahayag na may pamagat na “Faith Beyond Doubt,” sinabi ng komisyon na nakikiisa ito sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na alalahanin, magsisi, at kumilos nang may tapang at pagmamahal para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

Ayon sa komisyon, sa kabila ng paglaganap ng maling impormasyon at historical revisionism, mahalagang sariwain ang alaala ng mga bayani ng EDSA at ang kuwento ng mamamayang nagkaisa laban sa diktadura.

“That is, we recall and celebrate the memories of those fateful and miraculous days when Filipinos courageously and peacefully fought for democracy and freedom. We repent for and own up to wasting the opportunity for real and inclusive progress and development that EDSA gave us. And we respond to or collectively work for the continuing and difficult challenge of nation-building,” ayon sa pahayag ng Jesuit Social Apostolate Commission na nilagdaan nina Fr. Nono Alfonso SJ, Rene DG Banez, Fr. Junjun Borres SJ, Fr. Manoling Francisco SJ, Marlene Gatpatan-Bedia, Dr Anna Marie Karaos, Fr. Karel San Juan SJ, at Fr. Jett Villarin SJ.

Binigyang-diin din ng komisyon na ang paggunita ay hindi lamang pagdiriwang, kundi isang panawagan sa pagsusuri ng sarili—tulad ng pagharap ni Hesus sa mga tukso sa ilang—upang manatiling tapat sa katotohanan at sa mga pagpapahalagang ipinaglaban.

Bagama’t may mga kritiko na nagsasabing limitado ang naging epekto ng EDSA, hindi maikakaila ang mga nagawa nito, kabilang ang pagpapatibay ng demokrasya, pagpapanumbalik ng Kongreso at Korte Suprema, pagbuhay sa malayang pamamahayag, at pagkakaroon ng mas demokratikong Saligang Batas.

Hinimok ng Jesuit Commission ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa sa harap ng patuloy na hamon ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng bansa.

Ayon pa sa pahayag, tulad ng 40-taong paglalakbay ng Israel sa disyerto, kinakailangan ang tiyaga at matibay na pananampalataya upang makamit ang tunay na kaunlaran at ganap na demokrasya sa Pilipinas.

“We cannot give in to despair, for like in EDSA 1986, we have faith in the Filipino spirit. We also believe that God remains with us. Just as the Spirit led Christ into the desert and accompanied Him in His mission, God also led us to EDSA. And God continues to journey with us as we build our country upon the continuing legacy and spirit of EDSA.”

Sa paggunita sa EDSA, naniniwala ang komisyon na patuloy na kasama ng Diyos ang bayan, at ang diwa ng pagkakaisa at tapang noong 1986 ay nananatiling gabay sa paghubog ng kinabukasan ng Pilipinas.

Ang Jesuit Commission on the Social Apostolate ay isng natatanging lupon na nangangasiwa at nag-uugnay sa misyon ng mga Heswita sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan, pananampalataya, at pagkakasundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 15,938 total views

 15,938 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 172,064 total views

 172,064 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Hindi terorismo ang pamamahayag

 158,424 total views

 158,424 total views Mga Kapanalig, pundasyon ng demokrasya ang free press o malayang pamamahayag. Napakahalaga ng papel ng malayang pamamahayag bilang mata, tainga, at boses ng

Read More »

Like father, like son

 169,425 total views

 169,425 total views Mga Kapanalig, sa gitna pa rin ng mainit na palitan ng mga patutsada ng mga opisyal ng Pilipinas at China sa isyu ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES