‘Sumpa ang nakaw na yaman’- Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,110 total reads

Hinimok ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga tiwaling indibidwal at opisyal ng pamahalaan na isauli ang mga nakaw na yaman, partikular ang mga may kaugnayan sa ‘flood control controversy’.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David-ang kasalukuyang bise presidente ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) mas madali sanang kaharapin ang mga kasalukuyang krisis kung hindi nauubos ang pondo ng pamahalaan dahil sa katiwalian.

Nawa ayon sa opisyal ng simbahan ay matauhan na ang mga sangkot at ibalik sa taungbayan ang pondo na dapat sana ay inilalaan sa kabutihan ng higit na nakakarami.

“At gayon din sana mahimasmasan na ang mga kurakot, mga tiwali sa ating gobyerno na makita nila na tingnan ninyo kung hindi nawaltas itong ating pondong bayan sa katiwalian, mas madali sana nating harapin ang mga krisis, magkaroon ng safety nets,” ayon kay Cardinal David sa panayam ng Radyo Veritas sa programang Pastoral Visit-on-the air.

Dagdag pa ni Cardinal David, “sana parang matauhan yung mga nasa katungkulan. Pwede pang isoli ang hindi inyo. Kasi hanggat nasa sa inyo ang nakaw na yaman, ay hindi kayo magiging maligaya. Iyan po ay sumpa, sumpa po iyan. Mayaman nga kayo pero hindi kayo dadalhin sa kabutihan ng kayamanan na iyan. Kaya iwaksi ang maling yaman, ibalik ang hindi inyo, at makikita ninyo magliliwanag, magliliwanag ang bukang liwayway ng pag-asa sa ating bayan.”

Una na ring hinikayat ni Cardinal David ang mananampalataya sa gaganaping Penitential Walk for Life 2026 ngayong March 20, kung saan magiging katuwan siya sa misang gaganapin sa Manila Cathedral kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa alas-7:30 ng gabi.

Sa panayam, sinabi ni Cardinal David na ang layunin ng sama-samang paglalakad ay upang ipinalangin na matapos na ang karahasan sa buong mundo, katiwalian sa pamahalaan, krisis na dinaranas ng mga Overseas Filipino Workers lalo na sa Gitnang Silangan, at ang epekto nito sa ekonomiya.

Sinabi ng pinuno ng simbahan na ito ay hindi lamang limitado sa mga nais na dumalo sa pagtitipon kundi maging sa mga matatanda, may sakit at nasa ibayong dagat.

Ang programa at mga kaganapan ay live na mapapanood at mapakikinggan sa DZRV 846 facebook page, at You Tube Channel gayundin sa himpilan ng Radyo Veritas-simula ikaapat ng hapon hanggang sa ikawalo ng gabi.

Ayon pa kay Cardinal ang Penitential Walk for Life ay isang magandang pagkakataon upang magsama-sama sa panalangin para wakasan ang kaguluhan at ang epekto nito sa ekonomiya lalo na sa Pilipinas.

Ang Penitential Walk for Life 2026 ay pinangungunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na may temang “Walk for Life! Walk for Unity as One Nation!” kung saan inaasahang ang pakikibahagi ng mga mananampalalataya sa iba’t ibang diyosesis sa mariing paninindigan para sa pagsusulong ng dignidad at kasagraduhan ng buhay, laban sa anumang banta laban sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,704 total reads

 51,704 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,279 total reads

 131,279 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,726 total reads

 164,726 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,024 total reads

 200,024 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,490 total reads

 424,490 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,335 total reads

 16,335 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top