Epekto ng mataas na presyo ng langis, hindi maaring ipasa sa mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Nanindigan ang mga misyonerong Franciscano na hindi dapat ipasa sa mahihirap ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Panawagan ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, minister provincial ng OFM Province of San Pedro Bautista sa pamahalaan at pribadong sektor na umaksyon nang may pananagutan at malasakit.

Binigyang-diin ng pari na matagal nang pasan ng mahihirap ang matinding paghihigpit sa kanilang kabuhayan.

“It is not the poor who must tighten their belts. There is nothing more to tighten. What remains is hunger, exhaustion, and silent suffering,” ayon kay Fr. Redoblado.

Tinuligsa ng pari ang panawagang lalo pang magtipid ang mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“To ask more from them is not only unrealistic—it is deeply unjust and heartless,” dagdag pa ni Fr. Redoblado.

Iginiit ni Fr. Redoblado na dapat managot ang mga sektor na patuloy na kumikita nang labis sa kabila ng naranasang matinding krisis at iginiit na ang patuloy na paglago ng kita habang naghihirap ang nakararami ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya.

“It is those who continue to earn excessive profits, even in times of crisis, who must be the first to ‘tighten their belts. Profit that grows while the poor suffer is not simply an economic issue—it is a moral failure,” paliwanag ng pari.

Nanawagan din si Fr. Redoblado sa pamahalaan na akuin ang pananagutan sa gitna ng mga ulat ng korapsyon at kakulangan sa agarang tugon sa krisis.

“Now is the time to say: ‘We are sorry… Indifference in the face of suffering is itself a grave injustice. Failure to act swiftly is not neutrality—it is complicity,” giit pa ng pari.

Iginiit din ng pari na ang paglilingkod sa bayan ay isang bokasyon para maglingkod sa kapwa sa halip na sa pansariling interes.

“Public office is a vocation to serve, not an opportunity to enrich oneself,” aniya.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang sektor ng negosyo laban sa pananamantala sa sitwasyon at nanawagan ng agarang pagkilos at pagbabalik-loob.

“Do not exploit this crisis by imposing exorbitant and unjustified increases in the prices of basic commodities… Enough. The time is now… Let justice be done,” ayon kay Fr. Redoblado.

Simabi ng pari na ang tunay na tugon sa krisis ay hindi lamang nakasalalay sa polisiya kundi sa pagkilala sa dignidad ng bawat tao.

“For the cry of the poor is the voice of God Himself—and to ignore it is to harden our hearts against Him,” aniya

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,727 total reads

 8,727 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,229 total reads

 10,229 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 22,318 total reads

 22,318 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,696 total reads

 59,696 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,966 total reads

 90,966 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,887 total reads

 166,887 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,026 total reads

 260,026 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,728 total reads

 8,728 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top