Caritas Manila, naka-red alert sa epekto ng digman sa Middle East

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,116 total reads

Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng mga mananampalatayang nakikiisa sa Alay Kapwa 2026 Damayan Telethon sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, napapanahon din ang telethon kasabay ng nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan at ang epekto nito sa mga pinakamahihirap, maging sa mga minimum wage earner na maari namang maapektuhan dahil sa pagbabawas ng mga kawani dulot ng krisis sa ekomiya.

“Lalo na ngayon na apektado tayo sa hindi naman matinong digmaan sa Gitnang Silangan at dapat matapos na ‘yan sapagkat apektado ang buong mundo. At ang alam po natin ang palaging biktima ay ang mahihirap. ‘Pag tumaas ang mga bilihin, alam po natin na ang magugutom kaagad ay ang mahihirap at ang malnourished,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon pa sa pari, dahil sa epekto ng digmaan inaasahan din ang pagtaas ng bilang ng mga malnourished at mahihirap.

Dagdag pa ng pari; “Iyan ang ating danger ngayon, yung malnutrition,hunger tumaas na naman ‘yan. Kaya tayo ay nasa ‘red alert’ ang Caritas Manila nga ay meron tayong major programs ngayon. Of course ‘yung short term program. Hopefully hindi na masyadong tumagal ang digmaang ito. Bagama’t sabi nila, kapag huminto na ang digmaan, hindi naman automatic bababa ang presyo ng gasolina, dahil marami ang pang nasira mga oil refineries tsaka infrastructures. Kaya’t it would take longer time.”

Sa kasalukuyan sinabi ni Fr. Pascual na isa sa ginagawa ng Caritas Manila ay ang pagbibigay ng ayuda tulad ng mga gift certificates sa mga pinakamahihirap.

Ayon sa ulat, nasa 20 porsyento ng populasyon ang kabilang sa pinakamahihirap at sila rin ang pinakaapektado ng gutom tuwing may kalamidad, kaya kailangan itong agad tugunan dahil sa matinding epekto nito sa kanilang kalusugan at kaisipan.

“Kaya meron tayo sa Damayan, ito ngang Alay Kapwa-is for calamities. Naka-focus tayo sa calamities-ang programa ng Alay Kapwa ng Caritas Manila is for calamities-both manmade and natural. Ngayon itong digmaan nga is a man-made, kaya kailangan natin na maging maagap agad. Para matulungan agad ang mahihirap na tinatamaan ng oil crisis,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Ang Alay Kapwa ay taunang programa ng simbahan na naglalayong itaas ang kamalayan at pananagutan ng bawat Pilipino, lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap na biktima ng kalamidad—maging ito man ay gawa ng kalikasan gaya ng bagyo, baha, lindol, at pagputok ng bulkan, o gawa ng tao tulad ng sunog, baha, at digmaan sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 59,900 total reads

 59,900 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 92,885 total reads

 92,885 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 194,711 total reads

 194,711 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 235,269 total reads

 235,269 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 253,327 total reads

 253,327 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top