Pagmalasakitan ang kapwa sa gitna ng krisis na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total reads

Nanawagan si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya na pairalin ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa sa gitna ng umiiral na krisis na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Lenten message, binigyang-diin ng Obispo na bagamat tila malayo ang bansa mula sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, ramdam pa rin ang epekto nito sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Bishop Mesiona, ang pagkaantala ng produksyon at distribusyon ng langis at iba pang produktong petrolyo ay nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, na lalong nagpapabigat sa buhay ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

“While the conflict in the Middle East may seem distant, its effects reach us all, disrupting global solidarity and the common good. The interruption of oil and gas production and distribution has caused prices to double, triggering a cascade of economic pressures that touch ordinary lives everywhere. Travel costs have surged, and the prices of everyday goods—from food to fuel—have soared, exacerbating hardships for families already strained.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona.

Iginiit naman ng Obispo na hindi na makatarungan na patuloy na hilingin sa mahihirap na patuloy pang maghigpit pa ng sinturon o magtiyaga sa kasalukuyang sitwasyon, sapagkat matagal ng nagsasakripisyo ang mga mahihirap na mamamayan sa gitna ng lumalalim na agwat at antas ng buhay ng mga mahihirap at mayaman.

“That is why we can no longer simply ask the poor to “tighten their belts,” for they have long endured maximum austerity amid deepening disparities between rich and poor.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Binigyang-diin din ni Bishop Mesiona na ang panahon ng Kuwaresma o ang 40 araw na paghahanda para sa paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo ay isang paanyaya sa pakikiisa at pagtutulungan, lalo na sa mga higit na nangangailangan sa lipunan.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na gawing pagkakataon ang panahong ito upang ipakita ang malasakit sa kapwa at pagtibayin ang diwa ng pagkakaisa sa gitna ng pagsubok.

“In fact, in this Season of Lent, when we are asked to make sacrifices, we don’t even need to make an extra effort. For every day, as we wake up in the morning to face the challenges of a new day, we are already confronted with it. In this moment of shared trial, solidarity calls us to sensitivity and mutual support, not exploitation. As one human family, bound by interdependence, we need to remind ourselves that we are our brothers’ and sisters’ keepers, wherever they may be. This is the best time to show our deep concern for one another.” Ayon pa kay Bishop Mesiona.

Samantala, nanawagan din si Bishop Mesiona sa lahat na sama-samang maglakbay bilang Simbahan ngayong Semana Santa nang may pag-asa, patungo sa tagumpay ng muling pagkabuhay ni Kristo sa Pasko ng Pagkabuhay.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,741 total reads

 18,741 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 49,264 total reads

 49,264 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 109,762 total reads

 109,762 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 129,387 total reads

 129,387 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 210,041 total reads

 210,041 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 309,544 total reads

 309,544 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top