Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 109,060 total views

Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas.

Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang pila, mahabang pasensiya kung wala kang pampadulas.

Sa kasalukuyan, napag-iiwanan na ang mga business tycoon! Pinalitan na sila ng tinatawag na “political tycoon”… Walang bisa sa mga political tycoon ang permit-permit at business license..pangalan, kapangyarihan, kasikatan at malaking pera ang kanilang puhunan.

Sa larangan ng pulitika sa bansa, namamayagpag na ang “family business”, ito ang patok… ito na ang negosyong tubong-lugaw.

Sa katatapos lamang na filing of certificates of the candidacies (COC) para sa 2025 midterm elections ay lumitaw na ang pagiging talamak ng political dynasties, na-hijack na rin ng dynastic politicians at mayayamang pamilya ang “party-list system” na naging “popularity contest” na ng mga celebrity at naging bagong “business enterprise” ng mga negosyante.

Matapos ang COC filing, lumalabas ang pagbabagsak ng integridad at independence ng Senado kung saan 127 ang tumakbo sa pagka-Senador na kinabibilangan ng 2-kapatid ni Senador Raffy Tulfo, kapatid na babae ni Senador Alan Peter Cayetano, kapatid ni Senator Mark Villar kung saan ang inang matatapos ang termino ay tatakbo namang mayor at kapatid ni Senador Nancy Villar…. Kapag sila ay nanalo, siyam na ang Senador na magkakapatid…3-Tulfo, 2-Cayetano, 2-Villar at 2-dalawang Ejercito-Estrada…Walang hiyaan na lang?

Sa local level naman, political dynasties din ang namamayagpag… Sa Batangas, tatakong gobernador si Vilman Santos, Vice-governor niya ang anak at isa pang anak ay tatakbo namang 6th district representative.

Sa Pampanga, si Lilia Pineda ang tatakbong gobernador at anak naman ang vice-governor;; sa Davao city tatakbong mayor si dating pangulong Rodrigo Duterte habang vice mayor ang anak na si Baste Duterte at re-electionist sa pagka-congressman ang anak na si Paolo…incumbent vice-president naman si Sara Duterte.

Sa Rizal, nagpapalitan naman sa puwesto ang mga Ynares at Revilla habang balwarte ng mga Remulla at Revilla ang Cavite…Sa Kalookan, magka-tandem ang mag-amang Malapitan habang hawak naman ng mga Sandoval ang Malabon.

Ang mga mananalo sa 2025 midterm elections… paghahatian nila ang “trilyong-pisong budget”… ito ay tax exempt.

Nakasaad sa Compedium of the Social Doctrine of the Church Chapter 4 “Task of the Political community”, The responsibility for attaining the common good, besides falling to individual persons, belongs also to the state. Since common good is the reason that the political authority exists”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,856 total views

 17,856 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,944 total views

 33,944 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,661 total views

 71,661 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,612 total views

 82,612 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,175 total views

 26,175 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 17,857 total views

 17,857 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,945 total views

 33,945 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,662 total views

 71,662 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,613 total views

 82,613 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,125 total views

 92,125 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,852 total views

 92,852 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,641 total views

 113,641 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,102 total views

 99,102 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,126 total views

 118,126 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top