Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FAQs: Bakit may Santo Papa ang mga Katoliko?

SHARE THE TRUTH

 1,384 total views

Ngayong kapistahan nina Apostol Pedro at Pablo, ang mga magigiting na Apostoles na nagsimulang mangaral sa mga tiga-Roma, pinagdiriwang din ng Simbahan ang tinaguriang “Pope’s Day” o “Araw ng Papa”. Dito ay sinasariwa natin ang ating katapatan sa Santo Papa bilang kahalili ni San Pedro Apostol, ang Katiwala ng ating Panginoong Hesus. Gayunman, marami sa mga di-Katoliko ang nagtatanong: Si Pedro ba ang unang Santo Papa? May Santo Papa ba sa Bibliya? Ating hihimay-himayin ang mga talata ng banal na kasulatan upang tuklasin ang pinagmulan ng katungkulan ng Santo Papa.

Sa lumang tipan lamang, may binanggit si Propeta Isaias na isang katiwala na pinagkaloobang pamahalaan ang Bayan ng Diyos,

“Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod, si Eliakim na anak ni Hilkias. Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan, ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan, siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.” (Isaias 22:20-21)

Sa bayan ng Jerusalem, ang mga Hari gaya ni David at Solomon ay siyang namumuno sa lupain, ngunit sa nasabing talata ang lingkod na si Eliakim ay pagkakalooban ng kapangyarihan o kapamahalaan sa bayan. Ito ay ang pagiging isang “Katiwala” (Isaias 22:15) na kung saan siya ay tinalagang kapalit ni Sebna. Sa Contemporary English Version ng Bibliya, ganito ang pagkakasalin sa salitang katiwala.

“The Lord All-Powerful is sending you with this message for Shebna, the Prime Minister” (Isaiah 22:15 CEV)

Prime Minister o Punong Ministro. Ito’y iba sa Hari, at maging sa panahon ngayon, may ilang mga estado pa rin ang sumusunod sa ganitong uri ng pamahalaan. Isa na rito ang United Kingdom, kung saan ang Reyna ay iba sa kanilang Punong Ministro, gayun din naman sa Japan, kung saan iba ang Emperador sa kanilang Punong Ministro.

Higit pa rito, mababasa natin sa susunod na mga talata ang ganito.

Ibibigay ko sa kanya ang SUSI ng sambahayan ni David; walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.” (Isaias 22:22)

Kung sa lumang tipan ay may mga Hari, sino nga ba ang tinuturing na Hari sa sambayanang Cristiano?

“Siya (Si Cristo) ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang LUKLUKAN ni David na kaniyang ama” (Lucas 1:32)

Sa panahon ng mga Cristiano, ang ating tinuturing na Hari ay si Hesus. At gaya ng mga Hari sa lumang tipan, may tinalaga rin ang ating Panginoon na maging katiwala niya sa kaniyang bayan, isang tao na pinagkalooban din niya ng mga “susi” ng kaniyang kaharian.

“At sinasabi ko naman sa iyo na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. IBIBIGAY KO SA IYO ang mga SUSI ng Kaharian ng Langit, anomang iyong talian sa lupa, ay tatalian sa langit, at ano mang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:18-19)

Malinaw po sa nasabing mga talata, na ang pinagkalooban ng mga susi ay si San Pedro Apostol at kung ating papansinin ay may magkakapareho ang nasa Isaias at sa Mateo. Ang mga susi ng isang Katiwala na “makapag bubukas at walang magsasara, makapag sasara at walang makapag bubukas” (Isais 22:22) na kahalintulad din ni Pedro na “anumang talian sa lupa, ay tatalian sa langit, anumang kalagan sa lupa, ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19). Ayon sa mga dalubhasa, ang susi ay isang simbolo ng kapamahalaan ng isang katiwala.

Ano ang katibayan na si Pedro nga ay itinalaga upang pamahalaan ng Iglesia o Simbahan?

“Datapuwa’t ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32)

Sino po ang magpapatibay sa kapatirang Cristiano? Ito po’y si Pedro, matatandaan din natin na tatlong ulit din binilinan ni Hesus si Pedro na “pakainin ang kaniyang mga tupa” (Juan 21:15-17). Sinu-sino ba ang mga tupa ng Panginoon?

Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong KAWAN na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga Obispo, upang PAKAININ ninyo ang Iglesia (Simbahan) ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo(Gawa 20:28)

Samakatuwid, ipinagkatiwala ni Cristo ang kaniyang Simbahan kay Pedro. Marahil matatanong ng ilan, ano naman ang kinalaman ni Pedro sa mga Santo Papa? Si Pedro ba ang unang Santo Papa? Ang Papa ng Iglesia Katolika ay ang Obispo ng Simbahan sa Roma, bakit? Dahil si Pedro ay ang unang Obispo na nanatili sa Roma hanggang kaniyang kamatayan,

Binabati kayo ng nasa Babilonia na kasamang hinirang(1 Pedro 5:13)

Ayon sa mga dalubhasa ng Bibliya, ang Babilonia na kinapaparoonan ni Pedro ay ang Roma. Nang ipapatay si Pedro, hindi nawala ang ministeriyo ng pagiging-obispo ng Roma. Ipinangako ng Diyos na may hahalili sa kaniyang mga katiwala kung ito man ay mawala na.

“Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon, si David ay HINDI kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel” (Jeremias 33:17)

At maging sa ibang mga Apostol, nang sila ay mawala na sa mundo ay may kaagad silang mga kahalili.

“Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan… upang tanggapin ang katungkulan sa MINISTERIONG ito at pagka-apostol na kinahulugan ni Hudas, upang siyang makaparoon sa kaniyang sariling kalagayan” (Gawa 1:20-25)

Bilang panghuling tanong, bakit “Papa” ang tawag sa Obispo ng Roma. Balikan po natin ang Isaias 22, ano ba ang ituturing sa katiwala ng sambayanan ng Jerusalem at Juda?

“Siya ang magiging AMA ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.” (Isaias 22:20-21)

 

 

Kung kaya’t mga Kapanalig, sa araw na ito, ating sariwain ang ating katapatan sa Kahalili ni Pedro na si Papa Francisco. Ang katiwala ng ating Panginoong Hesus na siyang magpapatibay at magpapastol sa Simbahan sa lupa.

—-

Kung kayo’y may iba pang tanong, maari lamang magpadala ng mensahe sa [email protected]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,331 total views

 15,331 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,431 total views

 23,431 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,398 total views

 41,398 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,630 total views

 70,630 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,207 total views

 91,207 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 11,405 total views

 11,405 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 11,422 total views

 11,422 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Ligtas at disenteng pabahay para sa mga Filipino

 8,987 total views

 8,987 total views Ito ang misyong tutuparin ng BALAI Filipino o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities Program ng administrasyong Duterte. Sa tulong ng

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Church bells toll against EJK

 8,927 total views

 8,927 total views To:  Archdiocesan Clergy, Religious Communities, Lay Leaders, and Parishioners From: Abp. A. Ledesma, SJ For whom De Profundis church bells toll On this

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top