Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FFW, nagpapasalamat sa ILC

SHARE THE TRUTH

 11,218 total views

Ipinarating ng Federation of Free Workers sa idinaos na 112th International Labour Conference (ILC) ang mga suliranin na kinakaharap ng manggagawang Pilipino.
Inihayag ni FFW president Atty. Sonny Matula na kanilang inilatag ang mga suliranin sa international audience dahil sa mabagal at pagbabalewala ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Inilapit ng F-F-W sa I-L-C ang mabagal na pagbibigay ng katarungan sa mga kaso ng paglabag karapatan ng mga manggagawa at pagpatay sa mga labor leader sa Pilipinas.
Kabilang din ang kakulangan ng mga polisiya at batas na nangangalaga sa karapatan ng mga mangagawa sa tamang pasahod, kaligtasan sa mga lugar ng paggawa at mga pang-aabuso ng mga employer.
“There is a structural problem. Unlike the regular courts, which operate with three layers, the labor justice system has four, leading to prolonged dispute resolutions,” said Matula. “On average, it takes about seven years to resolve labor disputes, from the Labor Arbitration Branch through to the Supreme Court. This added layer contributes to unnecessary delays and inefficiencies,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Matula sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat at sumang-ayon si Matula sa tugon ng I-L-C na irekomenda sa pamahalaan ng Pilipinas ang hinaing ng mga manggagawang Pilipino at gamitin ang ILC 2030 Agenda na Sustainable Development Goal para sa pangangalaga ng kanilang kapakanan.
Patuloy naman ang apela F-F-W sa mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan na pakinggan at tugunan ang panawagan ng mga manggagawa.
“Labor administration is instrumental in implementing target SDG 8.8, which focuses on protecting labor rights and promoting safe working environments for all workers, including migrant workers and those in precarious employment,” ayon pa sa mensahe ng FFW.
Taong 2021 at 2022 napabilang ang Pilipinas sa listahan ng Global Rights Index Top 10 most dangerous countries for labor union and members matapos maitala sa mahigit 70 manggagawa ang napapatay simula pa noong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,563 total views

 44,563 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,044 total views

 82,044 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,039 total views

 114,039 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,766 total views

 158,766 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,712 total views

 181,712 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,815 total views

 8,815 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,319 total views

 19,319 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,320 total views

 19,320 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 18,254 total views

 18,254 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 17,804 total views

 17,804 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top