Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Home rebuilding assistance, ibibigay ng Caritas Manila sa mga nasunugan sa Addition Hills

SHARE THE TRUTH

 11,184 total views

Tiniyak ni Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan masasalanta ng anumang uri ng kalamidad o sakuna.
Ito ang mensahe ng Pari sa kaniyang naging pagbisita sa may 45-pamilyang nasunugan sa Addition Hills Mandaluyong City.

Personal na pumunta si Fr. Pascual sa lugar para kamustahin ang kalagayan ng mga pamilyang nasunugan.
Ipinagdasal at binasbasan ng pangulo ng Radio Veritas ang mga residenteng pansamantalang nanunulayan sa mga tent na nasa covered court ng Addition Hills.
“Sa mga kababayan natin, kapanalig, alam niyo amg simbahan ay laging nariyan upang ipadama ang pagibig ng Diyos, lalung-lalu na sa mga biktima ng sakuna, mga gawa ng kalikasan at gawa ng tao, sunog, mga baha, lindol, nariyan po ang ating simbahan lalung-lalu na ang Caritas Manila, naway ipagdasal po natin, suportahan po natin ang Caritas Manila sapagkat napakarami nating tinutulungan na mga kabataan sa edukasyon, pagdadamayan sa kalusugan, mga biktima ng kalamidad at yung mga bilanggo na tinutulungan natin mabigyan ng bagong pagasa kaya’t salamat po sa inyong suporta, pagpalain kayo ng Diyos ng mas marami pang biyaya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.
Labis na nagpapasalamat si Elsie Sarmiento, program coordinator ng Caritas Manila Damayan program sa Sacred Heart Parish Mandaluyong City sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugang.
Ayon kay Sarmiento, sa pamamagitan ng mga ipinadalnag food packs, hygiene kits, jerry cans, banig at kumot ay makakapamuhay ng may dignidad ang may 45-pamilya na nananatili sa evacuation centers sa lugar.
Inaanyayahan ni Sarmiento sa mamamayan at mananampalataya na paigtingin ang pakikiisa at suporta sa Caritas Manila upang maipagpatuloy ang pagtulong sa biktima ng sakuna at kalamidad.
“Humihingi po kami,l sana po patuloy po kayong magbigay sa amin ng mga tulong sa mga nangangailangan katulad po dito sa Addition Hills. ito po ay malaki pong tulong po sa amin na nabibigyan ng tulong ang aming mga kababayan dito dahil kailangan din nila sa kanilang sitwasyon, maraming salamat, sana po marami pa kayong mabigyan ng tulong, maraming salamat sa Caritas Manila at sa mga tumutulong po na mga sponsor po,” pahayag ni Sarmiento sa Radio Veritas.
Tiniyak din ni Fr.Pascual ang agarang pagbibigay ng home rebuilding assistance sa mga apektadong pamilya.
Sa tala, higit sa 60-milyong piso ang naipamahaging tulong ng Social Arm ng Archdiocese of Manila noong 2023 para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad, pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at pagpapakain sa mga biktima ng malnutrisyon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,149 total views

 73,149 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,924 total views

 80,924 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,104 total views

 89,104 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,699 total views

 104,699 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,642 total views

 108,642 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 2,779 total views

 2,779 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 10,906 total views

 10,906 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,396 total views

 12,396 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top