SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

 22,796 total views

Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.
Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa.
Pagbabahagi ng Laiko, sa halip na isabatas ang diborsyo sa Pilipinas ay mas dapat na patatagin ang samahan ng bawat pamilya sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng isang matatag at masaganang lipunan.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na paraan upang magabayan ang mga mag-asawang humaharap sa pagsubok sa buhay, ay naniniwala din ang Laiko na mahalaga rin ang pagkakaroon ng naaangkop na paghahanda ng mga mag-iisang dibdib para sa pagharap sa buhay mag-asawa.
“Sangguniang Laiko ng Pilipinas says NO TO DIVORCE. We believe in the sanctity of marriage. We believe in preparing the couple before marriage. We believe in supporting the married couple throughout their married life. We believe that there is a need for strong families, as such families are the backbone of Philippine society. We believe that the current remedies for struggling marriages are enough.” Bahagi ng pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Itinuturing namang isang hamon ng Laiko ang higit na pagpapalaganap ng kaalaman sa bawat binyagang Katoliko kaugnay sa kasagraduhan ng kasal at iba pang paninindigan ng Simbahang Katolika sa mga usaping panlipunan.
Iginiit ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalagang maunawaan ng bawat isa ang negatibong epekto na maidudulot ng diborsyo sa lipunan kabilang na ang pagkasira ng pamilya at epekto ng magkahiwalay na magulang sa mga kabataan.
“We believe that we must strengthen the knowledge of the lay faithful regarding marriage, and other Catholic stands. We read a lot of posts, and see memes online, but really all we need to do is look at the world and see what damage divorce has done. Especially how the children suffer. Multiple marriages. Broken families. Morally lacking society. We do not want that to happen to the Philippines. We stand for solid marriages. We stand for strong families. We stand for a society with good values.” Dagdag pa ng SLP.
Sa kasalukuyan tanging ang Pilipinas na lamang ang natatanging bansa sa buong daigdig bukod sa Vatican na walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo matapos na gawin na ding legal sa bansang Malta ang diborsyo noong taong 2011.
Matatandaang ika-22 ng Mayo, 2024 ng kuwestiyunableng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,960 total views

 32,960 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,964 total views

 43,964 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,769 total views

 51,769 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,697 total views

 67,697 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,836 total views

 82,836 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 1,259 total views

 1,259 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 6,428 total views

 6,428 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top