Freelancers at Gig Economy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total views

Isa sa pinaka-patok na pagkakitaan ngayon, kapanalig, ay ang pagiging freelancer o pagiging bahagi ng gig economy. Dumadami na nga ang mga Pilipinong sumasabak sa ganitong uri ng trabaho. Tinatayang mga 1.5 milyong Pilipino na ang nagtatrabaho bilang freelancers sa atin ngayon. Sa kabila ng dami nila at ng mga pagkakataon na dala nito, mayroon pa ring mga hamon ang kailangang harapin at solusyunan.

Ang freelancers at gig workers ay mga indibidwal na nagtatrabaho ng malaya at kadalasang naka kontrata o project-based. Hindi sila mga regular na empleyado gaya ng mga tauhan sa mga kumpanya o sa gobyerno. May kalayaan silang mamili ng mga proyekto at kliyente. Kadalasan flexible ang ganitong uri ng trabaho, na isa mga sa pangunahing rason bakit marami ang pumipili nito. May kontrol sila sa kanilang oras at kaya pang makakuha ng mas maraming kontrata o proyekto.

Dahil sa gig economy, maraming Pilipino ang nagkaroon ng pagkakakitaan. Nagbukas ito ng maraming oportunidad, hindi lamang para sa pagkakakitaan, kundi pati sa pagsasanay, sa pagbubukas ng  bagong larangan o karera para mga kababayan natin, at pakikipag-networking. Nagbigay daan ito sa mga Filipino na makapaghanap ng trabaho kahit anong edad, tapos man o hindi. Nakatulong ito sa maraming mga magulang na kumita kahit nasa bahay lamang.

Gayunpaman, maraming isyu ang hinaharap ang ating mga freelancers at gig workers. Isa sa mga pangunahing hamon ay ang kawalan ng seguridad sa trabaho. Isa sa mga pangunahing hamon ay ang kakulangan ng seguridad sa trabaho. Dahil hindi regular na empleyado, may hangganan ang kanilang kontrata o proyekto. Matapos ang ilang buwan, o ilang linggo pa nga, kailangan na nila maghanap ng iba pang kliyente o proyekto para pamalit. Wala rin silang mga benepisyo gaya ng social security, health insurance, o iba pang benepisyo, gaya ng natatanggap ng regular na empleyado, tulad ng Christmas bonus at 13th month pay. Ang kakulangan din sa proteksyon sa trabaho at minsan pati sa compensation o sweldo ay isa rin sa mga mahalagang isyung kinakaharap ng mga freelancers.

Bukod pa dito, wala ring organisasyon o institusyong nakatutok sa gig economy at mga freelancers. Walang nagtatanggol ng kanilang mga karapatan, kaya maraming mga pagkakataon kung saan maraming mga workers dito ay sobrang liit ng mga sweldo at sobrang bigat ng mga trabaho. Kailangang masiguro natin, kapanalig, na mayroong tamang sistema na magbibigay proteksyon sa kanilang mga interes at nagtatakda ng tamang pamantayan sa trabaho at nagbibigay-proteksyon sa kanilang mga interes. Kailangan din pahalagahan ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya.  Sabi nga sa Sacramentum Caritatis, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, work is of fundamental importance to the fulfillment of the human being and to the development of society. Thus, it must always be organized and carried out with full respect for human dignity and must always serve the common good.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 33,764 total views

 33,764 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 33,764 total views

 33,764 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 33,764 total views

 33,764 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 32,631 total views

 32,631 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 29,657 total views

 29,657 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 33,765 total views

 33,765 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 33,765 total views

 33,765 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 33,765 total views

 33,765 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 32,632 total views

 32,632 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top