Gamitin ang Social Media sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total views

Ito ang hamon ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications sa iba pang mga lingkod ng Simbahan kaugnay sa pagiging daluyan ng Social Media ng Ebanghelisasyon.

Ayon sa Obispo, dapat na ituring na hamon ng mga Obispo, Pari, Madre at mga Layko ang paggamit sa Social Media sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita upang mas mailapit ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan sa Panginoon.

“Dapat makita natin papano natin gagamitin ang Social Media para ipalaganap ang Mabuting Balita ni Kristo lalong lalo na ang Social Media ay in na in sa halos lahat ng kabataan ngayon kaya hinahamon ko ang lahat ng mga Obispo, mga Pari, Madre, mga Layko pati ng bawat miyembro ng pamilya na gamitin ang Social Media para ipalaganap ang Mabuting Balita, to share the Good News…” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng Internet para ipahayag ang misyon ng Panginoon.

Matatandaang, lumabas sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

Malaking porsiyento nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.

Naunang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluhang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkomunikasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 134,227 total views

 134,227 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 258,638 total views

 258,638 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 297,693 total views

 297,693 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 369,796 total views

 369,796 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top