Hanapin ang mukha ng Diyos sa mahihirap-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Dapat hanapin at makita ng bawat mananampalataya si Hesus sa mga mahihirap at mga maliliit sa lipunan.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, maipapadama natin ang awa at habag ng Diyos kung sisikapin nating makita sa mga mahihirap at nangangailangan ang mukha ni Kristo.

“Hanapin si Hesus, hanapin siya doon sa mga kapatid nating nakabayubay sa krus. Hanapin siya, ang kanyang mukha sa nagugutom, sa nauuhaw, sa mga walang matuluyan, sa walang mga saplot. Hanapin siya kung saan man may krus,pumunta, tumingala hanapin ang mukha ni Hesus. Tularan natin si Maria kasi po yung ibang mga alagad ni Hesus nagtakbuhan, iniwanan na si Hesus, si Maria hindi.Si Hesus nasa eukaristiya, sakramento at sa simbahan. Nandiyan lamang ang Diyos, nandiyan siya sa kanyang salita, nandiyan siya sa sakramento, nandiyan siya sa eukaristiya, nandiyan siya kasa-kasama natin. Pero dahil hindi natin siya hinahanap, hindi natin siya nakikita o natatagpuan,”paanyaya ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle na sa katatapos lamang na World Youth Day na mayroong mga kabataang na nagmula sa Syria na sa kabila ng kanilang hirap na dinaranas ay hinahanap pa rin nila si Hesus.

“Napakaraming tao na naghahanap sa Diyos. Kararating ko lang po kaninang madaling araw galing sa World Youth Day. Pero may isang bata galing sa Syria na nagsalita sa harapan ng Santo Papa at sabi noong bata na dalagita, sabi niya ang aming buhay sa Syria ay napapalibutan ng kamatayan. Our life in Syria is envelope by death. Tapos sabi niya, God where are you? Nasaan ka, nasaan ka Diyos ko? Nakalulungkot man, nakakadurog man ng puso, ang nakasalalay na sa gitna ng kamatayan dilim at lagim ang hinanahap nung bata ang Diyos, nasaan ka O Diyos ko?”pahayag ng Kardinal.

Sinabi ng Kardinal na malaking hamon na makita sa ating mukha bilang katoliko at bahagi ng simbahan ang mukha ni Hesus.

Ikinuwento ni Cardinal Tagle ang kanyang karanasan sa pagbisita sa refugee camp bilang presidente ng Caritas Internationalis.

“May nabisita nga po akong isang kampo ng mga refugees, mga taga Syria, taga Iraq doon po sa Lebanon nandoon ang kampo. Pagdating namin doon may isang matanda na Muslim na akala ko po ay kumakanta kasi ano siya parang sumasayaw, hindi ko po naiintindihan ang kanyang salita tinanong ko dun sa pari na kasama ko ano ang sinasabi nung matanda. Sabi raw po nagpapasalamat kami sa inyo mga Kristiyano, sa inyo na nasa Caritas, kayo lamang ang nakakakaisip sa amin. Napakaganda, sabi ko kapag tinananong sila what is a Christian, ano ang Kristiyano para sa kanila, ang Christian is somehow who thinks of others,”dagdag pahayag ni Cardinal Tagle.

Ngayong 2016, sini-celebrate ng Simbahang Katolika ang taon ng awa at habag kasabay ng extra-jubilee year of mercy na idineklara ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,532 total reads

 82,532 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,919 total reads

 129,919 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,790 total reads

 177,790 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,738 total reads

 281,738 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,041 total reads

 364,041 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 97,024 total reads

 97,024 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 74,582 total reads

 74,582 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 113,065 total reads

 113,065 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top