Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Name-and-shame anti drug campaign’ ni Duterte, pinaboran ng arsobispo

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Naniniwala si Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz na nasa tamang kampanya ang administrasyong Duterte kontra ilegal na droga.

Ayon sa arsobispo, nasisiyahan na siya sa pamumuno ni Duterte at seryoso itong masawata ang laganap na transaksyon ng ilegal na droga lalo na at pinatunayan nito na wala na talagang kaibi-kaibigan sa kanya na lahat ay dapat managot kung may pagkakasala.

Ito’y matapos na halos 160 pangalan na mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga hukom at pulis ang inatasan niyang magbigay ng kanilang panig kaugnay ng pagkakasangkot sa droga.

“Mukhang may nilalaman, unit-unti nga mukhang nasisiyahan ako sa kanyang pamumuno pagkat he means business, bagamat siyempre may konting pag-aalinlangan tungkol sa maraming patayan, pero may sinasabi ata yung mama na talagang asikasuhin ang bagay na ito at yung sinasabi niyang di siya natatakot mamatay at maski kaibigan niya ipapakulong niya mukhang nakakahimasmas ng kalooban,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Una na ngang napaulat na kaibigan ng Pangulo ang ilan sa mga ibinunyang niyang pangalan na protektor ng droga at ang iba ay mga taga-suporta pa niya.

Naniniwala naman ang arsobispo na ito na ang simula ng sinasabing pagbabago ni Duterte at bagamat humahanga may lungkot pa ring nararamdaman lalo na at nitong mga nakaraang linggo, marami ang napatay sa operasyon.

“Ewan ko kung nagkaroon ng epekto na patayan dito patayan dun, dito pinangalanan na niya, baka ito ang konting pagbabago na dumarating na di katulad noong nakaraang mga linogo na patayan, this is some kind of improvement on justice process na pamamaraan para malaman kung may sala o wala ang tao, ito nga ay sa pamamagitan ng justice system natin,” ayon pa sa arsobispo.

Simula nang maluklok sa puwesto ang Pangulong Duterte, higit sa kalahating milyon na ang sumukong drug suspects at humigit-kumulang na sa 500 ang napapatay sa operasyon ng pulisya kontra droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,438 total views

 42,438 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,919 total views

 79,919 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,914 total views

 111,914 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,654 total views

 156,654 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,600 total views

 179,600 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,872 total views

 6,872 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,486 total views

 17,486 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,075 total views

 64,075 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,342 total views

 170,342 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,156 total views

 196,156 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 211,974 total views

 211,974 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top