115,911 total views
Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan.
Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng simbahan na ugaliin nating mabuting katiwala ng sangnilikha…protektahan at pangalagaan natin ito… maging bahagi tayo sa pagkilos upang matugunan ang problema sa climate change.
Sa pagsisimula ng summer season sa Pilipinas, noong March 3, 2025 ay naranasan ng Metro Manila ang 33-degrees celsius na temperatura na dahilan sa suspension ng klase at pagpapa-uwi sa mga estudyante sa lungsod ng Maynila at anim pang distrito sa kalakhang Maynila. 68-libong estudyante sa may 48-paaralan ang naapektuhan ng mainit na panahon.
Ang naranasang 33-degrees Celsius na init ay mababa pa sa naranasang 38.8-celsius noong April 27, 2024 sa maraming lugar sa bansa. Sinasabi ng PAG-ASA na maaring umabot sa 38-40 degrees Celsius sa buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.. Nakakatakot at nakakabahala ang ito Kapanalig…handa ka na ba?
Dahil sa inaasahang matinding “heat wave” sa bansa… nagpapaala ang Department of Health(DOH) sa mga Pilipino na kapag umabot na sa 38°C ang init at galing kayo sa labas.. hayaan natin na mainit ang ating katawan. Huwag uminom ng malamig na tubig..pwede uminom ng mainit o maligamgam na tubig subalit dahan ang pag-inom. Magsuot ng preskong damit, magbaon ng tubig at limitahan ang pagbilad sa araw mula 10 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Kapanalig, ang mataas na heat index ay nagdudulot ng heat exhaustion o pagkapagod na maaring mauwi sa pagkawalang malay…bunga ng matinding init, maari kang magkaroon ng heat cramps o pulikat at ang matindi ay heat stroke.. Kapanalig, ang tatlong sintomas ay maaring magdulot kamatayan kapag hindi natugunan ng maayos.
Kapanalig, sa inyong pakikiisa sa mga gawaing simbahan ngayong kuwaresma lalu na sa pagbisita sa mga jubilee churches ngayong jubilee year of hope, ugaliin natin sundin ang paalala ng mga health expert upang hindi malagay sa peligro ang ating buhay.
Sa ating paggunita sa muling pagkabuhay ng ating panginoong si Hesus…Alagaan po natin ang katawan at kalusugan! Regalo ito ng panginoon.
Kapanalig, ipinapaalala ng “Matthew 10:28: Do not fear those who kill the body but are unable to kill the soul; but rather fear Him who is able to destroy both soul and body in hell.
Sinasabi naman ng “Thessalonians 5:23: Now may the God of peace Himself sanctify you entirely; and may your spirit and soul and body be preserved complete, without blame at the coming of our Lord Jesus Christ.
Sumainyo ang Katotohanan.